Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Edukasyon para Maging Self-Reliant

Pumili ng role at isadula ang sumusunod.

FACILITATOR: Welcome sa inyong lahat! Magpakilala kayo at magkuwento nang kaunti tungkol sa inyong sarili.

KWAME: Ako si Kwame. Kauuwi ko lang mula sa misyon, naghahanap ng mapapangasawa, at kung anu-ano ang pinagkakakitaan.

CONSUELO: Ako si Consuelo; may asawa at dalawang maliliit na anak; tinutulungan ko ang asawa ko sa pagtitinda ng prutas.

MEKALA: Ako si Mekala. Ako ay single mother at may anim na taong gulang na anak. Ang trabaho ko ay maglinis ng mga hotel.

ROBERT: Ako si Robert, may asawa at limang anak, at kasalukuyang bishop, pero nahihirapang makahanap ng magandang trabaho.

FACILITATOR: Okey, magaling. Bakit kayo naritong lahat?

KWAME: Gusto kong mag-aral. Lahat ng companion ko sa misyon ay nag-aaral sa kolehiyo, at gusto ko rin iyon.

ROBERT: Umaasa ako na makakapag-loan sa Perpetual Education Fund—hindi ba’t tungkol ito dito?

CONSUELO: Sinabi ng propeta na magtamo ng edukasyon hangga’t maaari, kaya sinabi ko sa asawa ko na kailangan kong gawin ito.

MEKALA: Kailangan ko lang ng mas magandang trabaho para lalo ako maging self-reliant, at kaunti lang ang skills ko.

FACILITATOR: Okey, mukhang marami tayong dahilan kaya tayo narito. Maaayos natin ito nang magkakasama. Mekala, napakahalaga ng sinabi mo. Sige magkuwento ka pa.

MEKALA: Mahabang oras ang trabaho ko at hindi ko gaanong nakakasama ang anak ko. At nalaman ko na hindi ako makakakuha ng mas magandang trabaho nang walang training. Kaya, kailangan kong mag-aral pa para magkaroon ng mga skills. Sinabi ng bishop ko na ito ang puntahan ko.

FACILITATOR: Tama ka, Mekala! Sa totoo lang, iyan ang dahilan kaya tayo naririto. Hindi lamang ito tungkol sa edukasyon. Nakakagulat di ba? Tutulungan tayo ng grupong ito na magtamo ng training o edukasyon, pero ang layunin ay magkaroon ng mga kasanayan, makakuha ng mas magandang trabaho, at madagdagan ang ating kita. Marahil ang pinakamahalaga, para sa 12 linggong ito, ay matutuhan natin ang mga alituntunin, kasanayan, at mga gawi na makakatulong sa atin na talagang maging self-reliant. Kaya higit pa ito sa pag-aaral lamang.

ROBERT: Paano iyong sa PEF loans?

FACILITATOR: Kung sa palagay mo, kailangan mo talaga ng loan, tiyak na makakakuha nito, at malalaman nating lahat kung paano gawin iyan. Pero paano kung makapasok kayo sa training nang hindi na kailangang mag-loan? Hindi kayo magkakautang.

CONSUELO: Makakatulong ba ito sa amin na makapasok sa isang unibersidad?

FACILITATOR: Kung iyan ang tamang lugar para makakuha ng mga kasanayan na kailangan ninyo para makakuha ng magandang trabaho, oo ang sagot. Pero kung minsan kahit tapos ka sa kolehiyo wala ka pa ring napapasukang trabaho.

ROBERT: Totoo iyan. May kilala akong mga doktor na nagmamaneho ng taxi.

KWAME: Gusto ko lang na may masimulan ako. Bago ako nagmisyon nagtitinda ako sa kalye. Wala akong anumang kasanayan sa trabaho.

CONSUELO: Narito ba tayo para pag-aralan ang trabaho o edukasyon?

FACILITATOR: Pareho! Gusto nating maging self-reliant, di ba? Kaya pag-aaralan natin ang mahahalagang alituntunin ng self-reliance. Sisimulan natin sa pagpapasiya kung anong klaseng trabaho ang magbibigay sa atin ng kita para maging self-reliant tayo.

Kasunod niyan, magpapasiya tayo kung anong training o edukasyon ang tutulong sa atin para maging kwalipikado sa trabahong iyan. Pagkatapos pag-iisipan natin kung paano babayaran ang pag-aaral na iyan at paano magtatagumpay sa paaralan. Tutulungan natin ang isa’t isa na makamit ang ating mga mithiin.

ROBERT: Maganda iyan. Hanggang ngayon, ang nasa isip ko lang ay makapag-aral, pero hindi ko naisip kung bakit ako mag-aaral.

KWAME: Tila maituturo nito sa akin ang dapat kong gawin. Kaya pala pinapunta ako rito ng quorum president ko!

MEKALA: Pero talaga bang epektibo ito? Talagang desperado ako, at sinubukan ko ang ibang paraan para makapag-aral noon.

FACILITATOR: Kailangan nating sama-samang magsikap, at magtulungan. Pero naniniwala ako na epektibo ito. Naniniwala ako nang buong puso na nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo at magtagumpay. Gusto Niyang matuto tayo at umunlad. At matutulungan Niya tayo. Totoo ang Pagbabayad-sala, kapwa sa mga bagay na temporal at espirituwal. At ang mga self-reliance group ay marami nang natulungang tao tulad natin. Ano sa palagay ninyo? Magagawa ba natin ito? Pwede ba nating subukan? Narito ang kuwento ng isang tao:

EMELDA: Ang pagiging top student ay isang bagay na nagawa ko hindi dahil sa sarili ko; dahil ito sa Simbahan! Alam ko na sa pagsapi ko sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay mapapalakas ang espirituwalidad ko, pero hindi ko naisip na magbibigay din ito sa akin ng pagkakataong mapahusay ang aking pag-aaral.

Ang pag-aaral ng ebanghelyo ay talagang nagpamulat sa akin. Dahil dito ay natanto ko na ako ang gagawa ng sarili kong kapalaran. Anuman ang sitwasyon natin sa kasalukuyan at nadarama natin, hindi ako nagdududa na may magandang plano ang Ama sa Langit para sa atin.

Bumalik sa pahina 4

Matutong “Humayo at Gumawa”

Magsalitan sa pagbabasa ng kasunod na mga talata.

Sa karaniwang klase, madalas nating sundin ang pattern na ito: (1) Papasok tayo sa klase at mauupo, na halos walang ginawang paghahanda. (2) Ang teacher ang nagsasalita. (3) Sinisikap nating makinig at matuto. (4) Kung minsan sumasagot tayo sa tanong. At pagkatapos (5) umuuwi na tayo.

Sa ating self-reliance group, ibang pattern ang susundin natin.

Larawan
act diagram

Foundation (Saligan)

Magreport

Pag-aralan

Pag-isipang Mabuti

Mangakong Gawin

KUMILOS nang responsable araw-araw

Sa linggong ito, kikilos tayo. Gagawin natin ang ipinangako natin sa nakaraang miting . Magtatanong tayo, susubukan ang mga ideya, at talagang matututo.

At, bago magmiting ang grupo, rerepasuhin nating lahat ang workbook at mga pangako natin at darating nang handa at nasa oras.

Sa unang bahagi ng bawat miting, magpopokus tayo sa alituntunin o gawi sa Foundation. Mangangako rin tayo na ituturo ito sa ating pamilya at sa iba.

Kasunod nito, magrereport tayo tungkol sa mga ipinangako natin, matututo mula sa isa’t isa, at maghahanap ng paraan na humusay pa.

Pagkatapos, pag-aralan natin. Dito, susuriin natin ang mga ideya at tools na kakailanganin natin para “humayo at gumawa” sa linggong ito. Magkakasama tayong magtatalakayan, manonood ng mga video, mag-aaral, at magpapraktis.

Pagkatapos ng bahaging pag-aralan, hihinto tayo sandali at pag-iisipang mabuti ito. Maaaring ito ang oras na magkaroon tayo ng inspirasyon at mga sagot.

Sa huli, mangangako tayo sa isa’t isa. Rerepasuhin natin ang gagawin natin sa linggong ito para mapabuti ang ating buhay.

At ibinabalik tayo niyan sa pagkilos. Ang pinakamahalagang bahagi ng learning pattern na ito ay nangyayari sa pagitan ng mga miting! Para matulungan tayo, pipili tayo ng “action partner” para sa buong linggo, at kakausapin natin bawat araw ang taong iyan para maireport kaagad ang ginawa natin at natutuhan. Maaari tayong mag-text o gumamit ng iba pang communication tools. Bukod pa rito, malaki ang maitutulong ng pamilya natin!

Bumalik sa pahina 5

Ang PEF Preferred Lists

Pumili ng role at isadula ang sumusunod.

FACILITATOR: Makinig kayo. Ang PEF Preferred List na ito ay nagpapakita ng ilan sa pinakamagandang trabaho, educational program, at paaralan sa ating lugar. Kung kailangan ninyo ng PEF loan, kailangan ninyong pumili mula sa listahang ito.

CONSUELO: Bakit?

FACILITATOR: Magandang tanong ‘yan. Ipinapakita sa listahang ito ang pinakamagagandang trabaho sa ating lugar. Ang mga ito ay “preferred jobs” at marami ang kailangan dito. Maraming mapapasukang ganitong trabaho at marami ang natatanggap.

ROBERT: Makakatulong nga ito. Sino ang gumawa ng listahang ito?

FACILITATOR: Nag-research ang ating lokal na self-reliance services manager at ilang volunteers sa ating job market, inobserbahan ang job trends, at aktuwal na nakipag-usap sa maraming local employer. Nahanap din nila ang mga local school at program na makakatulong sa mga tao na magkaroon ng mga skills na kakailanganin para sa preferred jobs.

MEKALA: Inilista rin nila kung gaano kahaba ang mga program at ang gagastusin dito.

KWAME: Wow. Nakakatuwang makita na may mga paaralan na mahigit dalawang taon ang kailangan para makatapos at ang iba ay 10 buwan lang para sa parehong kurso.

CONSUELO: At magkaibang-magkaiba ang babayaran. Bakit kaya?

FACILITATOR: Malalaman pa natin ang tungkol sa bayarin at halaga sa susunod na mga linggo. Pero ang nakikita ninyo ay mahalaga. Hindi lahat ng paaralan ay magkakapareho ng kalidad!

MEKALA: Mahalaga iyan. Gusto kong mag-aral sa isang paaralan na makakatulong sa akin na makakuha ng magandang trabaho. Pero ang mas maikling kurso na kaunti lang ang babayaran ay mahalaga rin.

FACILITATOR: Tama. Ang mga preferred school at program ay nagbibigay ng mga kasanayan o skills para sa mga preferred job na sulit ang haba ng panahong gugugulin at babayaran. Dapat mataas din ang job placement rates nila. Napakahalagang tool nito para sa atin.

ROBERT: Makakatulong ba ito kahit hindi ako mag-loan sa PEF?

KWAME: Oo, siyempre. Magsisimula ako sa listahan na ito.

FACILITATOR: Mabuting ideya. At kung hindi kayo nakapili ng trabaho, program, kurso, o paaralan sa listahan, sasagutan pa rin ninyo ang mga tanong na ito: anong mga trabaho ang kailangang-kailangan, at anong mga program at paaralan ang pinakamahusay para sa mga trabahong iyon. Ano sa palagay ninyo?

Bumalik sa pahina 6

Ang Aking Work Plan sa Loob ng Tatlong Minuto

Pumili ng role at isadula ang sumusunod.

MEKALA: Okay, narito ang aking work plan sa loob ng tatlong minuto. Ang una ay ilista ang mga trabahong pagpipilian ko. Hindi pa rin ako gaanong sigurado sa mga ito pero marami akong natututuhan at lalo pang umaasa. Ang mga ito ay executive assistant, teacher, at hotel management. At ang kasunod …

ROBERT: Ang kasunod na bahagi ng work plan ay ang mga taong nakausap ko. Para sa pagiging interpreter, nakipag-usap ako sa mga tao sa translation agency at sa aking stake president, na nakagawa na ng maraming international work. Para sa education administrator, dalawang tao mula sa pribadong paaralan ang makikipag-usap sa akin anumang oras. At para sa opsyong bakery business, nakipag-usap ako sa apat na may-ari ng iba’t ibang bakery, pati na sa tiya Ellen ko. Dahil may alam ako sa negosyo, maaaring maging posible ito.

May mga tanong o feedback ba kayo sa akin?

MEKALA: Alin sa mga opsyong iyon ang magtutulot sa iyo na magampanan nang mas mabuti ang iyong tungkulin sa Simbahan? Alam ko na mahalaga iyan sa iyo.

CONSUELO: At magkano ang equipment para masimulan ang bakery?

ROBERT: Magagandang tanong iyan. Palagay ko may oras pa ako, at ang halaga …

KWAME: Wow, napakagandang aktibidad nito, di ba? Parang nasa misyon ka uli. Isang welding shop manager ang nagsabi sa akin kung paano siya na-train at kung saan at magkano ang binayaran niya rito. At sabi niya na ang mabuting gawin ko ay mag-apprenticeship ako. Isang shop ang kaagad nag-alok sa akin ng apprenticeship, pero walang bayad, kaya di ko alam ang gagawin tungkol dito. At talagang maganda sa police academy. Kailangan kong pumasok sa paaralan nang isang taon at sumama-sama sa ilang opisyal nang isa pang taon. Kaya mas mahal ang bayad, pero ang suweldo ay apat na beses kaysa sa dati kong suweldo. Kailangan kong pumili …

CONSUELO: At sa huli, kailangan kong pumili. Dalawa na lang ang pinagpipilian ko sa ngayon, at pinag-iisipan namin ito ng pamilya ko at maayos naman. Pinag-iisipan ko ang software specialist o medical technologist. Pareho lang ang bayad sa mga ito pero ang software specialist ay mas mainam para sa aking pamilya. Matutulungan ko pa rin ang asawa ko, at mas maiksi ng tatlong buwan ang pasok sa paaralan …

KWAME: Sige, tapos na ang oras. May progreso na tayo!

Bumalik sa pahina 10

Pagkilos at Paggawa ng Pangako

Pumili ng role at isadula ang sumusunod.

GROUP MEMBER 1: Naniniwala tayo sa paggawa at pagtupad ng mga pangako. Sa ating self-reliance group, lahat ng ginagawa natin ay paggawa ng pangako at pagrereport.

GROUP MEMBER 2: Sa pagtatapos ng miting ng grupo, rerepasuhin natin ang ating gagawin sa linggo ito at lumalagda para ipakita ang ating katapatan. Pumipili rin tayo ng “action partner.” Lumalagda ang action partner sa ating workbook na ipinapangako ang kanyang suporta. At bawat araw sa pagitan ng mga miting, kinakausap natin ang ating action partner para ireport ang ating mga ginawa at magpatulong kapag kailangan.

GROUP MEMBER 3: Sa pagitan ng mga miting, minamarkahan natin ang ating progreso sa workbook at ginagamit ang mga tools na ibinigay, gaya ng mga worksheet o iba pang mga form. At kung kailangan natin ng dagdag na tulong, matatawagan natin ang ating pamilya, mga kaibigan, o ang facilitator.

GROUP MEMBER 4: Sa simula ng ating susunod na miting, babalik tayo at magrereport tungkol sa mga ipinangako natin. Kailangang ito ay maging komportable at nakakahikayat na karanasan para sa lahat. Kapag nagrereport ang bawat miyembro ng grupo, pag-isipan kung paano siya natulungan ng paggawa ng mga pangako at pagrereport ng progreso.

GROUP MEMBER 1: Noong una akong magreport tungkol sa mga ipinangako ko, naisip ko, “Nakakapagtaka naman ito.” Bakit naman pagmamalasakitan ng mga kagrupo ko ang ginawa ko? Pero nalaman ko na may malasakit sila. At iyan ay nakatulong sa akin.

GROUP MEMBER 2: Naisip ko na ayaw kong biguin ang grupo ko. Kaya nagsikap ako na tuparin ang mga ipinangako ko. Hindi ako sigurado na magkakaroon ako ng progreso sa iba pang paraan. Ang pagrereport tuwing miting ay talagang nakatulong sa aking mga priyoridad.

GROUP MEMBER 3: Kapag naiisip ko ang ginagawa ko para maging self-reliant, natatakot ako dahil napakalaking bagay nito. Pero nakatulong sa akin ang mga pagmimiting ng grupo para magawa ko ito nang paunti-unti. At inireport ko ang ginawa ko sa aking grupo. At talagang nagkaroon ako ng progreso. Sa palagay ko ang tagumpay na ito ay dahil may nabago sa mga gawi o habit ko.

Bumalik sa pahina 17

ANG AKING WORK PLAN: ANONG TRABAHO ANG MAKAKATULONG SA AKIN PARA MAGING SELF-RELIANT?

Maglista ng tatlong klase ng trabaho na pag-iisipan mo.

SINO ANG MAY ALAM TUNGKOL SA GANITONG KLASE NG TRABAHO?

Maglista ng 3–5 tao na kakausapin mo tungkol sa bawat trabaho.

ANO ANG MGA ITATANONG KO SA MGA TAONG ITO?

Magkanong kita ang maaari kong asahan kada buwan kapag nagsimula na akong magtrabaho? Magkanong kita ang maaari kong asahan pagkaraan ng isang taong pagtatrabaho?

Paano ako maghahanda para sa bawat klase ng trabahong ito?

May mga paaralan sa lugar?

Dumarami ba ang kailangan para sa ganitong klase ng trabaho?

Magkano ang kailangan para makapagsimula?

Iba pang mga tanong?

ALING TRABAHO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG MALAKING KITA AT ANGKOP SA AKING MGA KAKAYAHAN AT MGA KASANAYAN?

Ano ang natutuhan ko sa mga opsyong ito? Alin ang pinakaangkop sa akin?

Print