Mga Naunang Edisyon
Magreport


Magreport

circling arrows-green

Tinupad ko ba ang mga pangako ko?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa pahinang ito lamang (hindi sa buong section na Magreport).

Praktis:Ireport natin ang ating mga ipinangako. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang pangako. (Palakpakan.)

Basahin:Ngayon, magsitayo ang lahat. Dapat nating sikaping tuparin ang lahat ng ating ipinangako. Isa iyan sa mga pag-uugaling dapat taglayin ng mga taong self-reliant. Ulitin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements.

Basahin:Magsiupo tayo.

Talakayin:Ano ang natutuhan mo nang tuparin mo ang iyong mga ipinangako sa linggong ito? Kailangan mo ba ng tulong mula sa grupo?

Ano ang natutuhan ko sa paghahanda ng aking finance plan?

Oras:I-set ang timer nang 40 minuto para sa pahinang ito lamang.

finance plan page
Praktis:

Kailangang i-present ngayon ng bawat group member ang kanyang finance plan sa grupo nang wala pang tatlong minuto.

Pagkatapos mong mag-present, humingi ng feedback. Isulat ang feedback na natanggap mo. Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa pagsusulat ng mga tala o notes.

Dapat maikli lamang ang feedback para magkaroon ang lahat ng pagkakataon na magreport sa itinakdang oras.

Talakayin:May nakuha ka bang mga ideya mula sa mga report na makakatulong sa iyong pagpapasiya? Isulat ang iyong mga naisip sa ibaba.