Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-orange

Paano ako maghahanda sa labas ng klase?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:Noong nakaraang linggo, tinalakay natin kung paano matututo sa pamamagitan ng pananampalataya at kung paano matututo sa pamamagitan ng pag-aaral sa loob ng klase. Sa linggong ito, magpopokus tayo kung paano maghanda sa labas ng klase.

Linggo 1

Linggo 2

Linggo 3

Linggo 4

Linggo 5

Linggo 6

Anong klaseng trabaho ang makakatulong sa akin para maging self-reliant?

Anong edukasyon ang makakatulong sa akin na maging kwalipikado sa aking trabaho?

Paano ko tutustusan ang aking pag-aaral?

Dapat ba akong mag-loan sa Perpetual Education Fund?

Paano ako magtatagumpay sa loob ng klase?

Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

Basahin:Sa linggong ito, hahanapin natin ang mga sagot sa tanong na ito at gagawin ito:

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ako magtatagumpay sa labas ng klase?

GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Pag-iibayuhin ang aking espirituwal na paghahanda at paghuhusayin ang aking mga kasanayan at gawi sa pag-aaral, pati na ang pakikipagtulungan sa iba at pagtatapos ng mga assignment.

Paano ako espirituwal na maghahanda?

Basahin:Malaki ang kalamangan natin kapag nag-aral tayo. Maaari nating sundin ang Banal na Espiritu, na nakakaalam ng katotohanan ng lahat ng bagay! Kahit masyado tayong abala, dapat tayong mag-ukol ng oras kada araw para espirituwal na maghanda. At matutulungan tayo ng Espiritu na matuto nang mabilis at mas makaalala pa.

Panoorin:“Pagiging Handa sa Espirituwal” (Walang video? Basahin sa pahina 112.)

Talakayin:Paano tayo magiging karapat-dapat sa patnubay ng Espiritu? Paano tayo tutulungang matuto ng Espiritu?

Basahin:Narito ang ilang susi sa espirituwal na paghahanda:

  • Manalangin umaga at gabi; manalangin bago at pagkatapos mag-aral; hilingin sa Ama sa Langit na basbasan ang ating isipan at pagsisikap.

  • Basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw.

  • Sundin ang mga kautusan; panatilihing malinis at dalisay ang ating sarili.

  • Maglingkod sa kapwa; tulungan ang iba na matuto kasama natin.

Praktis:Nakalista sa chart sa ibaba ang mga alituntunin na makakatulong sa iyo na maghanda sa espirituwal at magtagumpay sa iyong pag-aaral.

Pag-isipan kung gaano mo na napagbuti ang sumusunod na mga aspeto. Magsulat ng mga paraan para humusay pa.

Nadarama ko na tinutulungan ako ng Espiritu at hinihikayat ako.

Ang aking hangaring matuto, ang aking pagmamahal sa pag-aaral, at kakayahang matuto ay nag-iibayo.

Sinusunod ko ang mga kautusan ng Diyos at isinasagawa ko ang mga alituntunin ng epektibong pag-aaral.

Nag-aaral ako araw-araw; pinaplano ko ang oras ko at sinusunod ang aking plano; tinatapos ko ang mga assignment ko sa takdang oras.

Unti-unti akong nagkakaroon ng mga katangiang katulad ng kay Cristo at tinutulungan ang iba na gayon din ang gawin.

Talakayin:Ano ang maipapangako ng bawat isa sa atin para mapagbuti ang ating espirituwal na paghahanda? Paano natin matutulungan ang isa’t isa na matupad ang mga pangakong ito?

Paano ako maghahanda sa labas ng klase?

Basahin:Narito ang apat na susi sa pagtatagumpay habang naghahanda tayo sa labas ng klase. Pag-aaralan natin ang bawat isa.

Matuto sa pamamagitan ng pag-aaral: maghanda sa labas ng klase

Magplano para sa epektibong pag-aaral

Makipagtulungan at matuto sa iba

Magbasa para makaunawa at makaalala

Tapusin ang mga assignment sa takdang oras

Paano ako magpaplano para sa epektibong pag-aaral?

Talakayin:Bakit mahalagang magplano kung saan at kailan ka mag-aaral? Bakit mahalagang planuhing mabuti ang iyong oras?

Praktis:Magsama ng ibang kagrupo. Tulungan ang isa’t isa na magpasiya kung kailan at saan kayo mag-aaral kapag simula na ang klase.

  1. Makakahanap ka ba ng lugar na malinis at tahimik kung saan ka mag-aaral kada araw? Saan ka mag-aaral?

  2. Maipaplano mo bang mag-aral sa isang partikular na oras sa bawat araw?

Lun. Mart. Miyer.

Huweb. Biyer. Sab.

Praktis:Kasama ang ibang kagrupo, ilista ang anumang problema na nakakahadlang sa inyo sa pag-aaral bawat araw. Pagpasiyahan kung paano ninyo lulutasin ang mga problemang ito.

ANO ANG NAKAKAHADLANG SA AKIN SA PAG-AARAL?

PAANO KO LULUTASIN ANG PROBLEMANG ITO?

Mga kapitbahay na nag-iingay

Magalang na pahintuin sila mula 3-5 n.h.

Paano ako maghahanda sa labas ng klase?

Basahin:May mga tao na mas natututo kapag nasa isang grupo. Ang ating self-reliance group ay magandang halimbawa!

Talakayin:Bakit magandang lugar ang ating self-reliance group para matuto? Paano ka natulungan ng ating grupo na kumilos at maging responsable?

Basahin:Kapag natututo tayo sa paaralan, karaniwan ay napapalibutan tayo ng ating mga kaklase. Nagsisikap din sila na matuto. Kung makakahanap tayo ng tamang tao, matutulungan nila tayo at matutulungan natin sila.

Talakayin:Talakayin ang mga susing ito sa epektibong pag-aaral ng grupo. Pag-usapan ang panahon na marami kang natutuhan mula sa isang study group. Pag-usapan ang panahon na hindi ka gaanong natuto. Ano ang pagkakaiba?

  • Hanapin ang pinakamahuhusay na estudyante na makakasama mo—lalo na yaong kasing sigasig mo sa pag-aaral.

  • Magtakda ng regular na oras para mag-aral nang magkasama.

  • Para masimulan ang bawat sesyon sa pag-aaral, magkasundo sa isang mithiin.

  • Tapusin ang sesyon sa pag-aaral sa paggawa ng mga pangako—ano ang gagawin ng bawat isa sa inyo at kailan ninyo ito matatapos?

  • Magkatuwaan pero manatiling nakapokus.

  • Maging handa at gawin ang iyong bahagi. Tulungan ang iyong mga kagrupo na matuto. Alamin ang lahat ng maaari mong matutuhan mula sa kanila.

Praktis:Paano mo gagamitin ang study group para mapag-ibayo ang iyong pagkatuto? Isulat ang iyong mga ideya at pagkatapos ay gawin ang mga ito.

Paano ko mauunawaan at maaalala ang nabasa ko?

Basahin:Malamang na marami tayong gagawing pagbabasa sa paaralan. Maraming bagay ang magagawa natin para maunawaan at maalala ang nabasa natin.

Talakayin:Talakayin ang mga hakbang na ito na tutulong sa iyo na maunawaan, maalala, at maisagawa ang nabasa mo.

  1. Manalangin. Hilingin sa Espiritu na tulungan ka na makaunawa at makaalala.

  2. Gumawa ng outline. Isulat ang mga pangunahing ideya tungkol sa nabasa mo. Pagkatapos ay magdagdag ng suportang mga ideya, impormasyon, at mga datos. Muling repasuhin ang mga tala o notes na ito sa araw na iyon, pagkaraan ng isang lingo, at pagkaraan ng isang buwan.

  3. Kung sa iyo ang textbook, guhitan o markahan ang mahahalagang salita at bagong bokabularyo; isulat ang kahulugan sa gilid o margin.

  4. Sumulat ng mga notes sa mga margin; ipakita ang mga koneksyon at pamamaraan; iugnay ang bagong impormasyon sa dating alam mo na.

  5. Bigyan ng quiz ang iyong sarili; maghanap ng paraan na magamit at maisagawa ang impormasyong ito.

Praktis:Bilang grupo, tingnan ang artikulong ito. Paano ginamit ng mambabasa ang lahat ng ideya sa itaas? Repasuhin ang study outline ng mambabasa sa kasunod na pahina. Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa epektibong pagbabasa?

Panalangin: Dama kong kailangan ko ang mensaheng ito.

Ang “kalayaan” ay ang karapatang pumili.

Maitutuwid ng Pagbabayad-sala ang mga maling pagpili kung magsisisi ako.

Kailangan kong mas makinig nang mabuti kapag nagdarasal ako.

Natutuhan ko ito sa aking misyon.

Paano ito nauugnay sa aking mga mithiin?

Praktis:Nang ikaw lang sa sarili mo, pumunta sa pahina 113 at basahin ang “Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya.” Pagsikapang makaunawa at makaalala nang mabuti. Gawin ang lahat ng limang hakbang sa pahina 104.

Nang hindi muling tinitingnan ang artikulo, sagutan ang quiz na ito tungkol sa nabasa mo. Nagbasa ka ba para makaunawa at makaalala?

  1. Ano ang kailangan mong gawin para maghangad na matuto sa pamamagitan ng pananampalataya?

  2. Bakit mahalagang naghahangad ang bawat isa sa atin na matuto sa pamamagitan ng pananampalataya?

  3. Paano ipinakita ni Joseph Smith na gustong niyang matuto sa pamamagitan ng pananampalataya?

Talakayin:Paano mo magagamit ang limang hakbang na ito sa pag-aaral para matulungan ka na mas maalala ang mga impormasyon?

Paano ko tatapusin ang mga assignment?

Basahin:Paano namin mauunawaan at matatapos ang mga assignment sa takdang oras? Paano namin magagawa ang lahat ng makakaya namin? Ang mga tanong na ito ang kinakaharap ng lahat ng estudyante.

Talakayin:Ano ang ginawa mo para maunawaan ang mga assignment? Ano ang nakatulong sa iyo na matapos nang maayos at nasa takdang oras ang mga assignment?

Basahin:Makabubuting tandaan na ang magandang simula ay karaniwang nagtatapos nang maganda. Kapag nakatanggap tayo ng assignment, makabubuting magplano at magsimula nang maaga!

Praktis:I-evaluate ang sarili sa aktibidad na ito. Markahan ng “x” ang isa sa apat na kahon sa bawat row para makita kung gaano ka na kahusay sa mga aspetong ito. Ulitin ito kada ilang linggo para mas humusay pa.

Nagtatanong ako hanggang maunawaan ko nang lubos ang isang assignment.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Kapag nakatanggap ako ng assignment o proyekto, inilalagay ko ang itinakdang petsa sa kalendaryo at ipinaplano ang mga hakbang na gagawin para matapos ito.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Tinitiyak ko na alam ko kung paano ako bibigyan ng grado, at inaalam at ginagawa ko ang lahat ng kailangan para magtagumpay.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Tinatapos ko ang aking mga assignment. Hindi ko ito ipinagpapaliban.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Kung posible, ibinabahagi ko ang progreso ko sa aking guro at humihingi ng tulong kung kinakailangan bago ipasa ang assignment.

Hindi kailanman

Kung minsan

Madalas

Palagi

Pangako at pagtitiyaga

Basahin:Tayo ba ay nangangakong matututo “sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (D at T 88:118)? Tayo ba ay nangangakong pagsisikapan ito at hindi kailanman susuko?

Naniniwala ba tayo na pag-iibayuhin ng Banal na Espiritu ang ating pagsisikap kung tayo ay karapat-dapat? Natututo ba tayo upang tayo ay makapaglingkod?

Talakayin:Paano natin matutulungan ang iba na magtagumpay?

Praktis:Sa bahay, itsek ang iyong paghahanda para magtagumpay sa pahina 114.

Lalo ba akong nagiging self-reliant?

Oras:I-set ang timer nang 15 minuto para sa pahinang ito lamang.

Basahin:Ang ating mithiin ay maging self-reliant, kapwa sa temporal at sa espirituwal. Ang pag-aaral at pagkakaroon ng trabaho ay bahagi lamang ng mithiing iyan. Ang pagpapalakas ng ating pananampalataya at pagpapaunlad ng espirituwalidad ang isa pang bahagi niyan.

Talakayin:Lalo ba kayong naging self-reliant nang gawin at ituro ninyo ang mga alituntunin sa My Foundation?

Praktis:Gaano kayo ka-self-reliant ng pamilya mo ngayon? Buksan ang iyong booklet na My Path to Self-Reliance sa blankong Self-Reliance Assessment. Gawin ang mga hakbang. Mag-ukol nang tatlong minuto para pag-isipan ang sumusunod:

My Path to Self-Reliance cover

Mas alam mo na ba ngayon ang iyong mga gastusin? Makakasagot ka na ba ngayon ng “madalas” o “palagi” sa marami sa mga tanong na iyon? Sigurado ka na ba na ang halagang itinakda mo ay sapat na kita para maging self-reliant? Malapit mo na bang maabot ang sapat na kita?

Basahin:Ang ating mithiin ay maging self-reliant, kapwa sa temporal at sa espirituwal. Ang pag-aaral ay bahagi lamang ng mithiing iyan. Nagiging self-reliant din tayo sa pamamagitan ng pamumuhay sa mga alituntunin sa My Foundation at sa pagkakaroon ng magandang trabaho.

Sa susunod na anim na miting, patuloy nating gagawin ang mga alituntunin sa My Foundation. Tatapusin natin ang natitirang mga alituntunin at ang huling proyekto.

Papraktisin natin ang pagkakaroon ng mas magandang trabaho sa paggamit ng My Job Search workbook.