Mga Naunang Edisyon
Mga Resources


Mga Resources

Pagtustos sa Aking Pag-aaral

Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod.

MEKALA: Wow. Marami akong nalaman tungkol sa iba’t ibang paaralan sa linggong ito.

CONSUELO: Sana nakita n’yo siya. Dire-diretso siya at kinausap ang mga tao roon. Hindi ako makahabol.

ROBERT: May napili ka na?

MEKALA: Wala pa, pero dalawa na lang ang pinagpipilian ko.

CONSUELO: Ako naman tatlo.

KWAME: Ang galing n’yo. Ako parang walang nagawa.

ROBERT: Ano ang ibig mong sabihin?

KWAME: Medyo nalilito pa kasi ako. O siguro natatakot. Mababa lang ang pinag-aralan ng pamilya ko. Kumausap ako ng limang iba’t ibang paaralan at parang di ko kaya. Parang ang daming requirements at ang halaga—wala akong gaanong pera.

ROBERT: Iyan ba ang naramdaman mo nang magsimula kang magmisyon?

KWAME: Teka, sandali. Iyan nga ang naramdaman ko.

CONSUELO: Pero nagtagumpay ka.

KWAME: Matagal-tagal din, pero talagang napagpala ako. At nagkaroon ng progreso.

MEKALA: Medyo takot din ako. Parang imposibleng makabayad. Pero may nakausap akong isang sister sa aming ward na ginawa ang lahat ng makakaya niya at nag-loan para mabayaran ang iba pa. Nag-loan siya sa PEF. Siguro kung lagi tayong magtutulungan, magiging maayos ang lahat.

ROBERT: At isang brother sa ward namin ang nagbayad sa unang taon ng kanyang pag-aaral at nakakuha ng scholarship sa ikalawang taon.

CONSUELO: Iniisip naming mag-asawa kung saan kami makakapagtipid nang kaunti, at may tiyo ako na baka makatulong din.

KWAME: Wala akong mayayaman na tiyo. Pero narito na tayo at hindi ako susuko. Siguro tama ka nga, Mekala. Susubukan ko pa nang dalawang linggo, kung palagi ninyong palalakasin ang loob ko.

Bumalik sa pahina 45