Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang mga group member kung mayroon kang contact information nila. Itanong kung pupunta sila sa miting. Anyayahan sila na dumating nang mas maaga ng 10 minuto para lumagda sa attendance roll.

  • Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting:

    • Magdala ng kopya ng workbook na ito at ng booklet na My Foundation: Principles, Skills, Habits para sa bawat group member.

    • Maghanda ng paraan na maipanood ang mga video, kung posible.

    • Walang mga aklat o mga video? Maaari mong makuha ang mga ito online sa srs.lds.org.

    • Magdala ng mga kopya ng Self-Reliance Services Preferred Lists: (1) ang Preferred Jobs List at (2) ang Preferred Schools and Programs List. Makakakuha ka nito sa inyong stake self-reliance center, sa self-reliance specialist, o online sa srs.lds.org/pef.

Larawan
table diagram

30 minuto bago magmiting:

  • Iayos ang mga upuan paikot sa isang mesa para magkakalapit ang lahat.

    • Ang facilitator ay hindi nakatayo sa oras ng miting at hindi nakaupo sa uluhan ng mesa. Ang facilitator ay hindi dapat maging sentro ng atensyon kundi dapat siyang tumulong sa mga group member na magpokus sa isa’t isa.

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga group member pagdating nila. Alamin ang kanilang mga pangalan.

  • Magpasa ng papel at ipasulat sa mga group member ang kanilang buong pangalan, ward o branch, at petsa ng kapanganakan (araw at buwan, hindi taon).

  • Mag-assign ng isang timekeeper para hindi lumampas sa oras ang grupo. Ipa-set sa kanya ang timer gaya nang nakasaad sa aklat.

    • Halimbawa, may makikita kayong instruksiyon na nagsasabing “Oras: I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.” Ise-set ng timekeeper ang oras sa isang phone, relo, o iba pang magagamit na timer at sasabihin sa grupo kapag tapos na ang oras. Pagkatapos magpapasiya ang grupo kung sisimulan ang kasunod na section o ipagpapatuloy ang kanilang talakayan nang ilan pang minuto.

Pagkatapos ng miting:

  • Pagkatapos ng miting ng grupo, magpunta sa srs.lds.org/report at sundin ang mga instruksiyon para mairehistro ang lahat ng group member.

  • Pagkatapos ng unang miting, gumawa ng contact list para mabigyan ng kopya ang grupo sa susunod na miting.

Sa pagsisimula:

  • Sabihin: “Welcome sa self-reliance group na ito.”

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at iba pang devices.

  • Sabihin ang mga sumusunod:

    • “Ito ay isang self-reliance group na tinatawag na ‘Education for Better Work (Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho).’ Narito ba kayong lahat para mas matuto pa?

    • “Kung hindi ninyo kailangan ang Perpetual Education Fund loan, magaling! Kung kailangan naman ninyo ng PEF loan, magiging handa kayong mag-apply para dito pagkatapos ng ating pang-apat na miting.

    • “Magmimiting tayo nang 12 beses. Bawat miting ay aabutin ng mga dalawang oras. Gugugol din tayo ng isa hanggang dalawang oras kada araw sa pagtupad ng ating mga pangako na makakatulong sa atin na makakuha ng edukasyon o training. Maipapangako ba natin ito?”

  • Magkaroon ng pambungad na panalangin (at himno, kung gusto).

  • Sabihin ang mga sumusunod:

    • “Tuwing magmimiting tayo, magsisimula tayo sa isang paksa mula sa booklet na tinatawag na My Foundation: Principles, Skills, Habits. Ang booklet na ito ay tutulong sa atin na matutuhan at maipamuhay ang mga principle (alituntunin), skills (kasanayan), at habit (gawi) na hahantong sa pagiging self-reliant sa espirituwal at temporal.”

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Basahin ang pambungad na liham ng Unang Panguluhan sa pahina 2 ng My Foundation. Pagkatapos ay gawin ang alituntunin 1 sa booklet na iyan at balikan ang workbook na ito.

Larawan
My Foundation cover

Print