Mga Naunang Edisyon
Magreport


Magreport

question mark-brown

Tinupad ko ba ang mga pangako ko?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa pahinang ito lamang (hindi sa buong section na Magreport).

Talakayin:Basahin ang quotation sa kanan. Paano ito naaangkop sa ating grupo?

Praktis:Ireport natin ang ating mga ipinangako. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang pangako. (Palakpakan ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga pangako.)

Basahin:Ngayon, magsitayo ang lahat. Dapat nating sikaping tuparin ang lahat ng ating pangako. Isa iyan sa mga pag-uugaling dapat taglayin ng mga taong self-reliant.

Habang tayo ay nakatayo, ulitin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements. Ang pahayag na ito ay nagpapaalala sa atin tungkol sa layunin ng ating grupo:

Basahin:Magsiupo tayo.

Ngayon mag-uusap-usap tayo at tutulungan ang isa’t isa sa ating mga plano para sa edukasyon at mas magandang trabaho. Ito ang pinakamahalagang talakayan sa miting na ito!

Talakayin:Ano ang natutuhan mo nang tuparin mo ang iyong mga ipinangako sa linggong ito? Kailangan mo ba ng tulong mula sa grupo?

Ano ang natutuhan ko sa paghahanda ng aking work plan?

Oras:I-set ang timer nang 40 minutes para sa pahinang ito lamang.

Basahin:Panoorin natin ang video na ito para maalala natin kung paano mag-present.

Panoorin:“Ang Aking Work Plan sa Loob ng Tatlong Minuto.” (Walang video? Basahin sa pahina 22.)

work plan page
Praktis:

Kailangang i-present ngayon ng bawat group member ang kanyang work plan sa grupo nang wala pang tatlong minuto.

Pagkatapos mong mag-present, humingi ng feedback. Isulat ang feedback na natanggap mo. Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa mga tala.

Dapat napakaikli lamang ng feedback para magkaroon ang lahat ng pagkakataon na magreport sa itinakdang oras.

Talakayin:Anong mga ideya ang nakuha mo mula sa mga report na makakatulong sa iyong pagpapasiya? Isulat ang iyong mga ideya.