Mga Naunang Edisyon
Para sa mga Facilitator


Para sa mga Facilitator

Sa araw ng miting:

  • I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan sila na dumating nang mas maaga ng 10 minuto para makapagreport tungkol sa kanilang mga pangako.

  • Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting. Walang mga aklat o video? Makukuha mo ang mga ito sa srs.lds.org.

  • Kung hindi mo nabigyan ang bawat group member ng kopya ng Self-Reliance Services Preferred Lists noong nakaraang linggo, bigyan sila ng kopya ngayon. Kunin ang mga listahan mula sa iyong stake self-reliance center, sa self-reliance specialist, o online sa srs.lds.org/pef.

30 minuto bago magmiting:

  • Iayos ang mga upuan paikot sa isang mesa para magkakalapit ang lahat.

  • Isulat ang commitment chart na ito sa pisara na may mga pangalan ng mga tao sa iyong grupo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).

Pangalan ng group member

Nakipag-usap sa kahit limang katao lang tungkol sa aking trabaho (Isulat ang #)

Naghanda ng work plan presentation (Oo/Hindi)

Ginawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)

Nagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)

Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

Gloria

8

Oo

Oo

Oo

Oo

10 minuto bago magmiting:

  • Masayang batiin ang mga tao sa pagdating nila.

  • Kapag dumating na ang mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa pisara.

  • Mag-assign ng timekeeper.

Sa pagsisimula:

  • Ipamigay ang mga kopya ng group member contact information (mula sa huling miting).

  • Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at iba pang devices.

  • Magsimula sa panalangin (at himno, kung gusto).

  • Tahimik na ipa-turn off sa mga huling dumating ang kanilang phone at kumpletuhin ang commitment chart habang patuloy na nagtatalakayan ang grupo.

  • I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.

  • Gawin ang alituntunin 2 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa kasunod na pahina.