Mga Turo ng mga Pangulo
Buod ng Kasaysayan


Buod ng Kasaysayan

Ang sumusunod na kronolohiya ay nagbibigay ng maikling buod ng kasaysayan para sa mga turo ni Pangulong Ezra Taft Benson sa aklat na ito.

Agosto 4, 1899

Isinilang sa Whitney, Idaho, kina George Taft Benson Jr. at Sara Dunkley Benson.

1912 hanggang 1913

Inako ang maraming responsibilidad sa bahay habang nasa misyon ang kanyang ama sa hilagang bahagi ng Estados Unidos.

1914 hanggang 1919

Nag-aral at nagtapos sa Oneida Stake Academy sa Preston, Idaho.

1918

Tinawag na maglingkod bilang assistant Scoutmaster (isang lider ng mga kabataang lalaki) sa kanyang ward sa Whitney.

1920

Nakilala si Flora Smith Amussen, ang kanyang mapapangasawa.

1921

Nag-aral sa Utah Agricultural College (na ngayon ay Utah State University) sa Logan, Utah.

Hulyo 13, 1921

Inorden ng kanyang ama bilang elder.

Hulyo 15, 1921, hanggang Nobyembre 2, 1923

Naglingkod bilang full-time missionary sa British Mission.

Agosto 25, 1924, hanggang Hunyo 1926

Naglingkod si Flora sa full-time mission sa Hawaiian Islands.

Taglagas 1924

Sinamahan ang kanyang kapatid na si Orval sa pagbili ng bukid ng pamilya sa Whitney.

Tagsibol 1926

Nagtapos sa Brigham Young University.

Setyembre 10, 1926

Pinakasalan si Flora sa Salt Lake Temple.

Setyembre 1926 hanggang Hunyo 1927

Nag-aral sa Iowa State College of Agriculture and Mechanical Arts (ngayon ay Iowa State University of Science and Technology), at nagtapos ng master’s degree sa agricultural economics.

Hunyo 1927

Bumalik sa bukid ng pamilya sa Whitney.

1929

Tinanggap ang trabaho bilang county agricultural agent para sa Franklin County, Idaho. Iniwan ang bukid at lumipat sa kalapit na Preston, Idaho.

1930 hanggang 1939

Nagtrabaho bilang agricultural economist at specialist sa University of Idaho Extension Division.

Enero 1935 hanggang Nobyembre 1938

Naglingkod bilang unang tagapayo sa stake presidency ng Boise Stake.

Nobyembre 1938 hanggang Marso 1939

Naglingkod bilang pangulo ng Boise Stake.

1939 hanggang 1943

Nagtrabaho bilang executive secretary para sa National Council of Farmer Cooperatives sa Washington, D.C. Nanirahan kasama ang kanyang pamilya sa Bethesda, Maryland.

Hunyo 1940

Tinawag na maglingkod bilang pangulo ng Washington Stake sa Washington, D.C.

Hulyo 26, 1943

Tinawag na maglingkod bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Oktubre 7, 1943

Inorden na Apostol at itinalaga ni Pangulong Heber J. Grant bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Enero 1946 hanggang Disyembre 1946

Naglingkod bilang pangulo ng European Mission, na tumutulong sa paghahatid ng temporal at espirituwal na tulong sa mga Banal sa mga Huling Araw matapos itong wasakin ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hulyo 16, 1946

Inilaan ang Finland para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Enero 1953 hanggang Enero 1961

Naglingkod bilang United States secretary of agriculture sa ilalim ng pamumuno ni President Dwight D. Eisenhower.

Enero 1964 hanggang Setyembre 1965

Muling naglingkod bilang pangulo ng European Mission.

Nobyembre 10, 1966

Muling inilaan ang Italy para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Abril 14, 1969

Inilaan ang Singapore para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Oktubre 26, 1969

Inilaan ang Indonesia para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Disyembre 30, 1973

Itinalaga bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Nobyembre 10, 1985

Itinalaga bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Oktubre 24, 1986

Inilaan ang Denver Colorado Temple.

Agosto 28, 1987

Inilaan ang Frankfurt Germany Temple. (Siyam na templo ang inilaan noong siya ang Pangulo ng Simbahan.)

Oktubre 2, 1988

Personal na ibinahagi ang kanyang huling mensahe sa pangkalahatang kumperensya. (Pagkaraan ng Oktubre 1988, hindi na siya nakapagsalita sa pangkalahatang kumperensya dahil mahina na ang kanyang katawan. Mga tagapayo niya sa Unang Panguluhan ang nagbasa ng kanyang mga sermon o bumanggit mula sa mga dating mensaheng ibinigay niya.)

Agosto 14, 1992

Nagdalamhati sa pagkamatay ng asawa niyang si Flora.

Mayo 30, 1994

Namatay sa bahay niya sa Salt Lake City, Utah, mga dalawang buwan bago sumapit ang kanyang ika-95 kaarawan.