Komentaryo
Natulungang Magpakabuti
Nagpapasalamat ako na may Liahona sa aking buhay. Ginagamit namin ng aking pamilya ang Liahona sa mga aralin sa family home evening at pagtulong sa mga investigator na matuto pa tungkol sa Simbahan. Malaki ang naitutulong ng Liahona sa akin para magpakabuti. Sa pamamagitan ng mga artikulo matindi ang hangarin kong gumawa nang mas mabuti, at nagtatakda ako ng mga mithiin tungkol sa mga turong ibinigay sa mga artikulo. Mahal ko ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo at ang oportunidad na ibinibigay nito sa amin para magpakabuti bawat araw.
Graziele Luiza Ramos de Freitas, Brazil
Espirituwal na Babasahin
Ang Liahona ay isang malaking pagpapala, at lubos akong nasisiyahan sa pagbabasa nito. Kung minsan inireregalo ko ang Liahona para magkaroon ng espirituwal na karanasan ang ibang tao sa pagbabasa nito. Gusto ko talaga ang mensahe ni Pangulong Thomas S. Monson sa mga pahinang pambata sa isyu ng Abril 2008 na pinamagatang “Tatlong Tulay.” Lahat ng bagay na sinasabi niya sa atin ay mahalaga para tayo makadama ng espirituwal na kapayapaan at mamuhay ayon sa mga utos ng Panginoon. Ang Liahona ay kagila-gilalas at espirituwal na babasahin.
Eleanor Grimaldi, Dominican Republic