2009
Mga Tanong at mga Sagot tungkol sa Organisasyon ng Simbahan
Abril 2009


Mga Tanong at mga Sagot tungkol sa Organisasyon ng Simbahan

Bakit isinunod ang pangalan ng Simbahan kay Jesus?

Sinabi ni Jesus na tinawag ito sa Kanyang pangalan dahil ito ay Kanyang Simbahan (tingnan sa 3 Nephi 27:8). Inorganisa Niya ito para tulungan tayong makabalik sa Ama sa Langit. Si Jesucristo ang pinuno ng Simbahan.

Ano ang ibig sabihin ng “mga huling araw?”

Sabi ni Jesus, “Sapagkat sa ganito tatawagin ang aking simbahan sa mga huling araw, maging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” (D at T 115:4). Ang ibig sabihin ng “mga huling araw” ay itong mga huling araw, itong panahon natin mismo.

Ano ang ibig sabihin ng “mga Banal?”

Ang ibig sabihin ng “mga Banal” ay mga miyembro ng Simbahan ni Cristo. Nakasaad sa mga banal na kasulatan ang mga Banal sa maraming panahon.

Mga panahon ng Lumang Tipan: Deuteronomio 33:3; Awit 30:4

Mga panahon ng Bagong Tipan: I Mga Taga Corinto 1:2

Mga panahon ng Aklat ni Mormon: 1 Nephi 14:14; Moroni 8:26

Panahon ni Joseph Smith: Doktrina at mga Tipan 57:1; 84:2

Ngayon, tinatawag ding mga Banal ang mga miyembro ng Simbahan.

Paano inorganisa ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan?

Inorganisa ni Jesus ang Kanyang Simbahan nang mabuhay Siya sa mundo, nang dalawin Niya ang kontinente ng Amerika, at nang ipanumbalik Niya ito sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Sa bawat panahon pumili Siya ng Labindalawang Apostol o mga disipulo para tulungan Siyang itayo ang kaharian ng Diyos sa lupa sa pamamagitan ng pagtuturo ng ebanghelyo (tingnan sa Marcos 16:14–15; 3 Nephi 12:1).

Tumatawag din si Jesus ng isang propetang mamumuno sa Simbahan. Ang Pangulo ng Simbahan ang propeta. Tinawag ni Jesus si Joseph Smith bilang unang propeta sa mga huling araw. Si Thomas S. Monson ang ika-16 na Pangulo ng Simbahan. Ang propeta ang tanging taong maaaring tumanggap ng paghahayag para sa buong Simbahan.

Labindalawang Apostol sa panahon ng Bagong Tipan

Labindalawang disipulo sa panahon ng Aklat ni Mormon

Mga Propeta sa mga Huling Araw

Prophet Joseph Smith

Joseph Smith, unang Pangulo ng Simbahan

President Thomas S. Monson

Thomas S. Monson, ika-16 na Pangulo ng Simbahan

Paano tinutulungan ng mga lider ng Simbahan si Jesus?

Lahat ng lider ng Simbahan ay tinutulungan si Jesus sa paglilingkod sa ibang mga miyembro ng Simbahan.

Ang propeta ang nag-aatas sa Labindalawang Apostol.

Ang mga Apostol ang nag-aatas sa mga Korum ng Pitumpu.

Tinutulungan ng mga Korum ng Pitumpu ang mga Apostol na maturuan ang mga stake at district president.

Tinutulungan ng mga stake at district president ang mga bishop at branch president.

Sa mga ward at branch, mga bishop at branch president ang nag-aatas sa mga Relief Society president, Young Men at Young Women president, Primary president, Sunday School president, home at visiting teacher, at iba pang mga lider.

Naglilingkod sa ating lahat ang mga lider at guro sa mga ward at branch.

Paano ninyo matutulungan si Jesus?

Tinutulungan ninyo si Jesus kapag sinusunod ninyo ang Kanyang mga utos. Tinutulungan ninyo Siya kapag sinusunod ninyo ang propeta. Tinutulungan ninyo Siya kapag natututo kayo tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng pagsisimba at pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Tinutulungan ninyo Siya kapag pinipili ninyo ang tama. Sa paggawa ng mga bagay na ito, naghahanda kayong maging lider sa hinaharap sa Kanyang Simbahan, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Masdan ang Aking mga Kamay at Paa, ni Harry ANDERSON; INOORDENAN NI CRISTO ANG MGA APOSTOL, NI HARRY ANDERSON; Tatlong Nephita, ni Gary L. Kapp; PAGLALARAWAN ni Welden c. AndersEn; detalye ni Joseph Smith Jr., sa kagandahang-loob ng Community of Christ Archives, Independence, Missouri; larawan ni Pangulong Monson na kuha ni David Newman