2009
Mula sa Bondi Rescue Hanggang sa Baguio Rescue
Abril 2009


Mula sa Bondi Rescue Hanggang sa Baguio Rescue

Si Blake McKeown, kilala bilang “baguhang” lifeguard sa programa sa telebisyon sa Australia na Bondi Rescue, ay umalis sa kanyang puwesto sa dalampasigan noong nakaraang Mayo para magsagawa ng isa pang uri ng pagsagip. Tinanggap niya ang misyong maglingkod sa Baguio, Philippines. Ibinahagi niya ang balitang ito at ang kanyang damdamin sa mga kasamahan at manonood sa programa.

“Nang malaman kong pupunta ako sa Pilipinas, tuwang-tuwa ako,” wika niya. “Siguradong hanap-hanapin ko ang dalampasigan, pero mahalaga sa akin ang magmisyon. Isang bagay ito na matagal ko nang pinaghahandaan sa buhay ko.”

Sabi ni Blake, “Wala na akong ibang gustong gawin nitong nakaraang dalawang taon kundi magtrabaho sa dalampasigan—ito ang pinakamagandang trabaho sa buong mundo—pero sa susunod na dalawang taon wala na akong ibang mas gustong gawin kaysa magmisyon. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi isang relihiyon na masasabi mo lang na bahagi ka; isa itong relihiyon na kailangan mong ipamuhay. Ito ang buhay ko. Ibang-iba ang magiging pagkatao ko kung hindi dahil sa Simbahan.”

Si Blake McKeown mula sa programa sa telebisyon na Bondi Rescue ay tumanggap ng tawag na magmisyon sa Pilipinas.