2009
Pakikipagbati sa Kanyang mga Kaaway
Abril 2009


Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith

Pakikipagbati sa Kanyang mga Kaaway

Mula sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), 399–400.

Isang araw dinalaw ng Propeta ang kanyang mga magulang sa tahanan nila sa Far West, nang pasukin sila ng isang grupo ng sandatahang militar.

Sino sa inyo si Joe Smith?

Narito kami para patayin siya!

Kaagad lumapit si Joseph, ngumiti sa kalalakihan, at kinamayan sila.

Ako si Joseph. Nagagalak akong makilala kayo. Halikayo, maupo kayo.

Hindi makapaniwala ang mga lalaki sa Propeta habang patuloy itong nagsasalita.

Kaming mga Mormon ay naniniwala kay Jesucristo at gusto lang namin ay kapayapaan. Pero napakaraming umuusig sa amin nitong mga nakalipas na buwan mula nang lumipat kami sa Missouri. Sa pagkakaalam ko, walang sinuman sa amin ang lumabag sa batas. Pero kung lumabag kami, handa kaming magpalitis ayon sa batas.

Inay, palagay ko uuwi na ako. Hinihintay na ako ni Emma.

Hindi ka aalis mag-isa, dahil hindi ligtas.

Sasamahan ka namin at babantayan.

Salamat.

Nangangako kaming buwagin ang militar sa ilalim ng aming pamumuno at uuwi na kami.

Kung kailangan pa ninyo kami, babalik kami at gagawin ang kailangan ninyo.

Sa labas ng bahay ng mga magulang ni Joseph, nag-usap ang ibang kalalakihan tungkol sa pakikipag-usap nila sa Propeta.

Wala ka bang nadamang kakaiba nang kamayan ka niya? Ngayon ko lang iyon naramdaman sa tanang buhay ko.

Parang hindi ako makakilos. Hindi ko sasalingin ni isang hibla ng buhok ng lalaking iyon kahit kailan.

Ito na ang huling pagkakataong makikita ninyo akong nagbalak patayin si Joe Smith o ang mga Mormon.

Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Mattozzi