2009
Siya ay Nagbangon
Abril 2009


Siya ay Nagbangon

Matapos ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, nagministeryo ang Panginoon sa maraming tao sa Banal na Lupain (tingnan sa mga pahina 8–11) at sa mga lupain ng Amerika (tingnan sa mga pahina 12–13). Marami noong sinaunang panahon ang nagpatotoo sa buhay na Cristo tulad ng ginawa ni Propetang Joseph Smith sa makabagong panahon: “At ngayon, matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sa kanya: Na siya ay buhay!” (D at T 76:22).

He Is Risen

Itaas: Siya ay Nagbangon, ni Del Parson

Ang mga punong saserdote at mga eskriba ay “ibibigay [si Cristo] sa mga Gentil upang siya’y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya’y babangon” (Mateo 20:19).

He Is Not Here

Kanan: Siya’y Wala Rito, ni Walter Rane

“Siya’y wala rito: sapagka’t siya’y nagbangon” (Mateo 28:6).

As It Began to Dawn

Itaas: Nang Nagbubukang Liwayway Na, ni Elspeth Young

“Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena, at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan” (Mateo 28:1).

Easter Morning

Itaas: Umaga ng Paskua, ni William F. Whitaker Jr.

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro” (Juan 20:1516).

The Three Marys at the Tomb

Ibaba: Ang Tatlong Maria sa Puntod, ni William-Adolphe Bouguereau

“Kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila’y nangagitla” (Marcos 16:5).

The Garden Tomb

Itaas: Ang Puntod sa Halamanan, ni Linda Curley Christensen

“Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito” (Mateo 28:2).

The Disciples Peter and John Running to the Sepulchre

Kanan: Tumatakbo ang mga Disipulong sina Pedro at Juan Patungong Libingan, ni Dan Burr

“Umalis nga si Pedro, at ang isang alagad. …

“At sila’y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan” (Juan 20:3–4).

The Doubtful Thomas

Itaas: Ang Mapagdudang si Tomas, ni Carl Heinrich Bloch

Sinabi ni Cristo kay Tomas, “Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; … at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin” (Juan 20:27).

The Resurrected Christ in Galilee

Kanan: Ang Nabuhay na Mag-uling si Cristo sa Galilea, ni Gary Smith

“At lumapit si Jesus sa [labing-isang disipulo], na sinasabi, …

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa” (Mateo 28:18–19)

Feed My Sheep

Itaas: Alagaan Mo ang Aking Mga Tupa, ni Kamille Corry

“Simon anak ni Juan, iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa” (Juan 21:16).

Christ on the Road to Emmaus

Ibaba: Si Cristo sa Daang Patungo sa Emaus, ni Greg Olsen

“At siya’y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka’t gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila” (Lucas 24:29).

The Ascension of Jesus

Kanan: Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit, ni Harry Anderson

“At nangyari, na samantalang sila’y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit” (Lucas 24:51).

Christ Appearing in the Western Hemisphere

Ibaba: Nagpakita si Cristo sa Western Hemisphere, ni Arnold Friberg

“At ito’y nangyari na, nang kanilang maunawaan ay muli nilang itinuon ang kanilang mga paningin sa langit, at masdan, nakita nila [si Cristo na] bumababa mula sa langit” (3 Nephi 11:8).

Samuel the Lamanite Prophesies

Itaas: Nagpropesiya si Samuel na Lamanita, ni Arnold Friberg

Ang mga Nephita na hindi naniniwala ay “binato [siya] sa ibabaw ng pader, at marami rin ang pumana sa kanya” (Helaman 16:2).

Christ in the Land Bountiful

Kanan: Si Cristo sa Lupaing Masagana, ni Simon Dewey

“Ang maraming tao ay lumapit, … at sinalat ang bakas ng pako sa kanyang mga kamay … at nagpatotoo, na ito ay [si Cristo]” (3 Nephi 11:15).

Bring Forth the Record

Kaliwa: Dalhin ang Talaan, ni Robert T. Barrett

“Oo, Panginoon, si Samuel [na Lamanita] ay nagpropesiya alinsunod sa inyong mga salita, at lahat ng yaon ay natupad.

“At sinabi ni Jesus sa kanila: Paanong hindi ninyo naisulat ang bagay na ito?” (3 Nephi 23:10–11).

Christ and the Book of Mormon Children

Ibaba: Si Cristo at ang mga Bata sa Aklat ni Mormon, ni Del Parson

“[Si Cristo] ay tumangis, at ang maraming tao ay nagpatotoo nito, at kinuha ang kanilang maliliit na anak, isa-isa, at binasbasan sila” (3 Nephi 17:21).

Christ Praying with the Nephites

Kaliwa: Nananalangin si Cristo Kasama ang mga Nephita, ni Ted Henninger

“At walang sinumang makauunawa sa kagalakang pumuspos sa aming mga kaluluwa sa panahong narinig namin [si Cristo na] nanalangin sa Ama para sa amin” (3 Nephi 17:17).

Jesus Christ Visits the Americas

Ibaba: Dumalaw si Jesus sa mga Lupain ng Amerika ni John Scott

“At [ang mga Nephita] ay nagsiluhod sa paanan ni Jesus, at sinamba siya” (3 Nephi 11:17).

Background © Dover Publications Inc.