2009
Ang Simbahan sa Hungary
Abril 2009


Ang Simbahan sa Hungary

Noong 1887 ang Hungarian na si Mischa Markow ay nabinyagan malapit sa Constantinople (Istanbul), Turkey. Noong 1899 nagmisyon siya sa kanyang lupang sinilangan, pero hinuli siya at pinalayas sa Hungary dahil sa kanyang pangangaral. Sinubukan niyang ibahagi ang ebanghelyo sa mga kalapit na bansa, ngunit matapos makaranas ng hirap doon, nangaral si Elder Markow at ang kompanyon niya sa Temesvár, Hungary, hanggang sa puwersahan silang paalisin ng gobyerno. Isang araw bago sila umalis, nagbinyag at nagkumpirma sila ng 12 tao at nagtalaga ng mga lider para sa isang kongregasyong may 31 miyembro.

Bago nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig, 106 katao ang sumapi sa Simbahan sa Hungary. Pagkatapos ay nalimitahan ang gawaing misyonero dahil sa mga pagbabawal ng gobyerno hanggang 1980s.

Noong Hunyo 1988 kinilala ng batas ng Hungary ang Simbahan. Isang taon kalaunan inilaan ni Pangulong Thomas S. Monson ang unang meetinghouse sa bayan. Ang Hungary Budapest Mission ay nilikha noong Hunyo 1990.

Narito ang ilang impormasyon tungkol sa Simbahan sa Hungary ngayon:

Bilang ng mga Miyembro

4,253

Mga misyon

1

Mga ward at branch

19

Mga family history center

5