2011
Hindi Ba Tayo Puwedeng Maging Magkaibigan?
Enero 2011


Hindi Ba Tayo Puwedeng Maging Magkaibigan?

“At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa’t isa” (Efesos 4:32).

  1. Kinabahan si Margaret dahil wala siyang kilala sa bago niyang paaralan.

  2. Tinukso siya ng ilang batang babae. Hinatak pa ng isang bata ang mga laso ni Margaret sa buhok. Sa palagay ni Margaret hindi siya magiging masaya sa bago niyang paaralan.

  3. Pagkatapos ng mga klase tinawag ni Margaret ang kanyang lola at isinumbong ang mga salbaheng bata.

  4. Margaret, dapat kang magdasal at humiling sa Ama sa Langit kung ano ang gagawin mo. Tutulungan ka Niya.

  5. Noong gabing iyon nagdasal si Margaret sa Ama sa Langit. Sinabi niya sa Kanya ang problema niya. Pagkatapos ay may naisip siya.

  6. At kinabukasan ay sinimulan siyang tuksuhin ng mga bata.

    Hindi ba tayo puwedeng maging magkaibigan?

  7. Kinabukasan sa paaralan hinatak ng mga bata ang mga laso niya sa buhok.

    Hindi ba tayo puwedeng maging magkaibigan?

  8. Isang linggo kalaunan masayang ikinuwento ni Margaret sa kanyang lola ang nangyari.

    Binigyan ako ng ideya ng Ama sa Langit na maging mabait sa mga babae. Hindi na nila ako tinutukso, at ngayon ay kaibigan ko na sila.

Mga paglalarawan ni Maryn Roos