2011
Paano ako magtatayo ng espirituwal na pundasyon?
Enero 2011


Natatanging Saksi

Paano ako magtatayo ng espirituwal na pundasyon?

Hango sa “Storm Warning,” New Era, Okt. 2001, 44–45.

Nagbahagi si Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ng ilang ideya tungkol sa paksang ito.

Elder Neil L. Andersen

2. Dapat tayong manalangin. Huwag mahiga sa gabi nang hindi muna lumuluhod sa harapan ng inyong Ama, nagpapasalamat sa inyong natanggap, at nagsusumamo sa Kanya na palakasin ang inyong mga espirituwal na pundasyon.

1. Dapat nating pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Ibinigay sa atin ng Panginoon ang kagila-gilalas na mga aklat na ito upang patibayin ang ating pundasyon.

3. Dapat tayong sumamba. May kapangyarihan sa mga ordenansa ng ebanghelyo, sa pakikibahagi ng sacrament linggu-linggo. May kapangyarihan sa pagpupulong natin nang sama-sama sa Simbahan at, higit sa lahat, sa pagsamba sa ating tahanan.

4. Dapat ay handa tayong sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa isa’t isa. Dapat tayong maging mapagparaya at taglayin sa ating buhay ang mga katangiang itinuro ni Cristo sa atin.

Kaliwa: paglalarawan ni Scott Jarrard