2011
Komentaryo
Enero 2011


Komentaryo

Ang Kompas ng Aking Buhay

Gusto ko ang Liahona. Ito ang kompas ng aking buhay; ginagabayan ako nito sa tamang landas at mas mabubuting bagay. Tinutulungan ako nito na lumakas at maiwasan ang mga tuksong madalas kong makaharap. Pinangangalagaan nito ang aking buhay sa araw-araw. Salamat sa paglalathala ninyo nito para makamtan ng mga tao sa mundo ang kompas at gabay na ito, na naglalagay sa atin sa landas ng pananampalataya.

Anastasia N., edad 17, Ukraine

Ang Liahona ay Isang Tagapayo

Madalas akong magsuskrisyon sa Liahona para iregalo sa Pasko sa aking mga kaibigan at empleyado bilang paraan ng pagtuturo ng ebanghelyo sa kanila. Yaong mga nasa trabaho ay madalas lumalapit sa akin at nagkokomento sa mga artikulong nabasa nila. Ginagamit nila ang Liahona bilang isang tagapayo, at sinasabi nila na kapag may problema sila sa kanilang pamilya binabasa nila ang Liahona nang magkakasama. Naglalagay rin ako ng isang kopya ng magasin sa waiting room ng aming opisina. Ito ay isang mabisang kasangkapan ng misyonero.

Prycila Villar, Brazil

Pinagmumulan ng Espirituwal na Lakas

Kami ay mga taga Colombia na nakatira sa Logan, Utah, USA, at nagpapasalamat kami na makatanggap ng Liahona sa wikang Espanyol. Bilang mga magulang, sinisikap naming matuto ang aming apat na anak na babae na ipamuhay ang ebanghelyo at mahalin ang templo. Salamat sa paglalathala ninyo ng Liahona kada buwan, dahil sa mga mensahe nito nakahahanap ang aming pamilya ng pinagkukunan ng espirituwal na lakas.

Rincon Family, Utah, USA