Nanonood ang pamilya ko ng mga pelikulang pangmatanda. Mahalagang pag-ukulan sila ng panahon, kaya paano ko ipaliliwanag kung bakit hindi ako nanonood ng gayong mga pelikula?
Ang pagpili ng tama na kasama ang iyong pamilya ay kasinghirap gawin na kasama ang iyong mga kaibigan—kung minsan nga ay mas mahirap pa. Mabuti’t ayaw mong ikompromiso ang mga pinahahalagahan mo. Bagama’t ayaw mong gawin ito ngayon, ang pag-una sa Panginoon sa buhay mo ay magpapala sa iyong pamilya at tutulutan kang maging halimbawa sa kanila. Ngunit sila pa rin ang pamilya mo, at mahalagang pag-ukulan sila ng panahon. Makapagmumungkahi ka ng ibang mga pelikula na alam mong magpapasaya o mga aktibidad tulad ng paglalaro o hiking.
Mahalagang ipaalam sa pamilya mo ang iyong mga pamantayan sa tapat at mapakumbabang paraan. Kausapin sila nang tapatan kung bakit mo piniling huwag manood ng ilang klase ng pelikula. Ipanalanging magkaroon ka ng lakas na iparating ito sa kanila at maunawaan nila ito. Sana naman, maigalang ka ng iyong pamilya dahil dito, at mapanatili mo sa iyong puso ang Espiritu habang iniiwasan mo ang masamang media.