2011
Magbisikleta Tungo sa Hinaharap
Enero 2011


Mga Kabataan

Magbisikleta Tungo sa Hinaharap

Maraming kabataang lalaki ang naghahanda sa pinansiyal upang makapagmisyon. Sa Africa bahagi ng paghahandang iyan ang pagkita ng sapat na salapi para makakuha ng pasaporte. Kinita ni Sedrick Tshiambine ang kailangan niyang halaga sa pamamagitan ng pangangalakal: sa pagtitinda ng mga saging sakay ng bisikleta.

Si Sedrick ay nakatira sa Luputa, Democratic Republic of Congo. Isa siya sa 45 mga kabataang lalaki sa Luputa district na nagtatrabaho upang makapag-ipon para makakuha ng pasaporte at makapagmisyon. Sa DR Congo ang isang pasaporte ay nagkakahalaga ng $250, na mga dalawang-katlo ng halaga ng pagtatayo ng isang bahay.

Ngunit buo na ang loob ni Sedrick. Kinita niya ang salapi o pera para sa kanyang misyon sa pamamagitan ng pagbibisikleta ng 15–30 kilometro (9–19 milya) mula Luputa papunta sa maliliit na nayon, kung saan siya namimili ng mga saging, at pagkatapos ay magbibisikleta pabalik at patawid sa maalinsangang kapatagan ng Africa, at ang kanyang bisikleta ay puno ng mga prutas na ititinda sa lungsod. Linggu-linggo ay naglalakbay siya ng mga 180 kilometro (112 milya) sa mabuhangin na mga lansangan, at minsan lang tumaob ang bisikleta dahil sa hindi ito balanse.

Sa kanyang pagpapagod ay kumikita si Sedrick ng mga $1.25 sa isang linggo, o $65.00 sa isang taon. Apat na taon ang kinailangan upang makapag-ipon siya ng sapat na salapi para makuha ang kanyang pasaporte, ngunit ngayon ay batid niyang kasama sa kanyang hinaharap ang full-time mission dahil handa na siya sa pinansiyal na tumugon sa tawag na maglingkod.

Print