Paggawa ng Gawain sa Family History
Marahil ikaw lang ang tanging miyembro ng Simbahan sa pamilya mo at bago sa iyo ang gawain sa family history. O marahil ay marami nang nagawa ang ibang mga miyembro ng pamilya mo sa gawain sa family history at sa templo para sa inyong mga ninuno. Anuman ang sitwasyon mo, marami pa ring paraan na makapag-aambag ka sa mahalagang gawaing ito.
Kung hindi mo tiyak kung saan magsisimula, simulan sa alam na alam mo: sa iyong sarili. Tutal, hindi lang naman tungkol sa mga namatay mong mahal sa buhay ang family history. Tungkol din ito sa pagtatala ng sarili mong kasaysayan habang buhay ka. Narito ang ilang paraan na makapagsisimula ka:
-
Maghanap ng matibay na kahong paglalagyan at ilagay ang mahahalaga mong dokumento: ang iyong birth certificate, mga diploma, award, journal, retrato—anumang bagay na kumakatawan sa iyong buhay.
-
Kung may scanner sa paligid mo, maaari mong i-scan ang mga lumang retrato upang makalikha ng mga digital copy ng mahahalagang retrato.
-
Itala sa journal ang nagbibigay-inspirasyong mga ideya, damdamin, at kaganapan sa iyong buhay.
-
Interbyuhin ang iyong mga kapamilya upang maitala ang kasaysayan ng kanilang buhay. Magsimula sa pinakamatanda mong kamag-anak na nabubuhay. Magtanong ng ganito: Saan po galing ang inyong pangalan? Ano po ang mga tradisyon ng pamilya ninyo noong bata pa kayo at ngayon? Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa mga espesyal na talento o katangian ng inyong pamilya? Ang pagtitipon ng mga kasaysayan ng iba ay magiging yaman ng pamilya sa darating na mga henerasyon.
-
Magrehistro para sa isang account sa www.New.FamilySearch.org at ipasok ang impormasyon tungkol sa iyong talaangkanan na natipon mo tungkol sa iyong sarili at sa mga miyembro ng pamilya. Tutulungan ka ng mga online tutorial sa bawat hakbang.
-
Kung maaari, dumalo sa templo upang magsagawa ng mga ordenansa para sa iyong mga ninuno.
Kung may mga tanong ka tungkol sa gawain sa family history, matutulungan ka ng inyong ward o branch family history consultant.