Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
Hungary
Bagama’t ang unang misyonerong Banal sa mga Huling Araw ay dumating sa Hungary noong 1885, kakatiting ang kanyang tagumpay at umalis pagkaraan ng mga tatlong buwan. Ang unang Hungarian na kilalang sumapi sa Simbahan, si Mischa Markow, ay nabinyagan sa Constantinople noong 1887. Bunga niyon ay nagmisyon siya sa Europa, ngunit kalaunan ay pinaalis siya sa Belgrade at kalaunan ay sa Hungary dahil sa kanyang pangangaral.
Sa loob ng maraming taon ay nalimitahan ng mga isyu sa pulitika sa Hungary ang gawaing misyonero doon. Noong 1980s, dahil sa mga lathalain tungkol sa Simbahan maraming Hungarian ang nagsiyasat tungkol dito, at sa huling bahagi ng 1986, pumayag ang mga pinuno ng pamahalaan ng Hungary na papasukin ang mga misyonero sa bansa.
Mula noon, malaki na ang naging tagumpay ng mga misyonero. Ang Aklat ni Mormon ay inilathala sa wikang Hungarian noong 1991, at ang unang stake ay binuo noong 2006.
Ang Simbahan sa Hungary | |
---|---|
Bilang ng mga Miyembro |
4,594 |
Mga Mission |
1 |
Mga Stake |
1 |
Mga District |
2 |
Mga Ward at Branch |
21 |