2011
Ang Nakapanunumbalik na Kapangyarihan ng Panalangin
Enero 2011


Ating mga Tahanan, Ating mga Pamilya

Ang Nakapanunumbalik na Kapangyarihan ng Panalangin

Naaalala ko pa ang nadama ko nang makita ko ang mga luha ng pagsisising dumaloy sa pisngi ng aking 10-taong-gulang na anak na lalaking si Arián.

Kalaro niya sa kuwarto ang kuya niyang si Joel, na 12 anyos, nang bigla silang nagtalo, at kinailangan kong mamagitan at ayusin ito. Siguro dahil sa edad nila, madalas mag-away ang mga batang ito.

Bilang tugon, si Arián, na halatang nanginginig at umiiyak matapos makipagtalo sa kuya niya, ay pabalang na sumagot sa akin. Pinagsabihan ko siya nang dalawang beses (ngayon ay ako na ang katalo niya), pero lalo lang lumala ang sitwasyon. Nagwawala na siya, namumula ang mukha, at nanginginig. Naiinis na ako noon, pero alam ko na kailangan itong malutas nang hindi ako sumisigaw.

Agad kong naisip ang alituntunin ng panalangin. Oo, iyan ang sagot, kaya isinama ko siya sa kuwarto ko, isinara ko ang pinto, at sinabing, “Arián, lumuhod tayo, at magdarasal ako sa Ama sa Langit.”

Pareho kaming lumuhod habang patuloy siyang umiiyak sa galit. Nanalangin ako sa adhikaing matulungan ang aking anak. Sa kalagitnaan ng panalangin napansin kong papahina na ang kanyang mga hikbi. Ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi ay mga luha na ng pagsisisi.

Pagkatapos naming manalangin, nagmulat si Arián at nagtanong, “Itay, mapapatawad po ba ninyo ako?” Nagyakap kami, at hindi ko na napigilan ang luha ko. Napuspos ng kapayapaan at pagmamahal ang aking kaluluwa. Wala nang sinabi pa si Arián, ngunit alam ko na naranasan niya ang nakapanunumbalik na kapangyarihan ng panalangin at naantig ng Espiritu Santo ang kanyang puso.

Ngayo’y hindi lang niya alam ang tungkol sa kapangyarihan ng panalangin, kundi nagkaroon pa siya ng patotoo tungkol dito.

Paglalarawan ni David Stoker