2011
Mga Pangulo ng Simbahan
Enero 2011


Mga Pangulo ng Simbahan

Gaano ninyo kakilala ang mga Pangulo ng Simbahan? Sagutin ang quiz na ito at alamin. Nasa ibaba ang mga sagot.

  1. Pagkatapos ni Joseph Smith, sino ang may pinakamaikling panahon ng paglilingkod bilang Apostol bago naging Pangulo ng Simbahan?

  2. Sino ang pinakamatagal na naglingkod bilang General Authority?

  3. Sino ang pinakamatagal na naglingkod bilang Pangulo ng Simbahan?

  4. Sino ang kaisa-isang Pangulo ng Simbahan na ipinanganak sa labas ng Estados Unidos?

  5. Bago si Pangulong Thomas S. Monson, sino ang kaisa-isang Pangulo ng Simbahan na naglingkod bilang bishop?

  6. Sino ang nagmisyon sa ngayon ay Hawaiian Islands na noong siya ay 15 anyos lamang?

  7. Sino ang naglingkod bilang United States Secretary of Agriculture habang naglilingkod bilang Apostol?

  8. Sino ang Pangulo ng Simbahan na pinakamahaba ang buhay?

  9. Sino ang nabalian ng mga buto sa mga braso at binti, aksidenteng nahiwa ng palakol ang paa, nakagat ng asong ulol, nadaganan ng bumagsak na mga puno ang mga binti, muntik nang mamatay sa pagkalason ng dugo, muntik nang malunod, halos mamatay sa paninigas sa lamig, at nakaligtas sa pagkawasak ng rumaragasang tren?

Mga sagot:

Joseph Smith

Brigham Young

John Taylor

Wilford Woodruff

Lorenzo Snow

Joseph F. Smith

Heber J. Grant

George Albert Smith

David O. McKay

Joseph Fielding Smith

Harold B. Lee

Spencer W. Kimball

Ezra Taft Benson

Howard W. Hunter

Gordon B. Hinckley

Thomas S. Monson

Mga larawang ipininta ni Larry Winborg © 1990