Ang Pagbabasbas kay Dana
-
Si Dana ay isinilang na may butas sa kanyang mga labi at sa loob ng kanyang bibig. Nakaapat na operasyon na siya para maayos iyon. Ngayon ay makikipagkita si Dana at ang kanyang mga magulang sa doktor para pag-usapan ang isa pang operasyon.
Sa operasyon, kukuha kami ng bahagi ng buto mula sa balakang mo para gamitin sa bibig mo.
-
Nag-alala si Dana sa mangyayari pagkatapos ng operasyon.
Makakainom pa po ba ako ng chocolate milk?
Paggaling ng bibig mo, maiinom mo ang lahat ng chocolate milk na gusto mo.
-
Sa gabi bago ang operasyon, binigyan siya ng basbas ng priesthood ng kanyang tatay at tiyuhin. Si Tito Hyrum ang nagpahid ng inilaang langis kay Dana. Pagkatapos ay si Itay ang nagbasbas.
Binabasbasan kita na maging malakas ang iyong katawan at mabilis kang gumaling pagkatapos ng operasyon. Tandaan mo na mahal na mahal ka ng iyong mga magulang at ng Ama sa Langit.
-
Kinabukasan dinala nina Inay at Itay si Dana sa ospital.
-
Dumating ang nars para dalhin si Dana sa operating room. Niyakap ni Dana si Inay.
Mahal kita, Dana.
Huwag po kayong mag-alala, Inay. Hindi po ako takot. Binasbasan ako ni Itay.
-
Pagkatapos ng operasyon maayos na si Dana. Natutuwa siya na nabigyan siya ng espesyal na basbas ni Itay para mas bumuti ang kanyang pakiramdam.