2012
Kilala Ba Ninyo ang Kababaihan sa mga Banal na Kasulatan?
Hunyo 2012


Kilala Ba Ninyo ang Kababaihan sa mga Banal na Kasulatan?

Tingnan kung inyong maitutugma ang mga paglalarawan sa kababaihan mula sa mga banal na kasulatan sa kanilang mga pangalan. Gamitin ang mga reperensya sa banal na kasulatan kung kailangan ninyo ng tulong.

  1. Inaliw ako ng aking asawa nang magdalamhati ako dahil sa aking mga anak na lalaki, na nasa isang mapanganib na paglalakbay (tingnan sa 1 Nephi 5:1, 6).

  2. Ako ay isang tagapagsilbi sa bahay ni Haring Lamoni at maraming taon na akong nakapagbalik-loob sa Panginoon bago nagbalik-loob ang hari (tingnan sa Alma 19:16).

  3. Nang pumanaw ang aking asawa, “yumakap” ako sa aking biyenang babae at sinabi sa kanya na aariin kong lahi ang kanyang lahi at aking Diyos ang kanyang Diyos (tingnan sa Ruth 1:14, 16).

  4. Binanggit ang pangalan ko kapwa sa Bagong Tipan at sa Aklat ni Mormon. Inilarawan ako bilang “napakaganda at napakaputi” at “isang mahalaga at piniling nilikha” (tingnan sa 1 Nephi 11:13; Alma 7:10).

  5. “[Pinili] ko ang magaling na bahagi” sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salita ni Jesucristo nang bisitahin Niya ang aking pamilya sa Betania (tingnan sa Lucas 10:42).

  6. Nag-ayuno ang aking mga tao para sa akin nang itaya ko ang sarili kong buhay sa pagsusumamo sa hari na huwag silang paslangin (tingnan sa Esther 4:16).

  7. Ang ibig sabihin ng pangalan ko ay “ina ng lahat ng mga nabubuhay” (tingnan sa Genesis 3:20).

  8. Tinawag akong “hinirang na babae” sa Doktrina at mga Tipan, at gumawa ako ng “isang pagtitipon ng mga banal na himno” (tingnan sa D at T 25:3, 11).

  9. Balo na ako nang mga 84 na taon nang batiin ko ang sanggol na si Jesus sa templo (tingnan sa Lucas 2:36–38).

  10. Nang baguhin ng Panginoon ang pangalan ng aking asawa, binago Niya ang pangalan ko na ang ibig sabihin ay “prinsesa” (tingnan sa Genesis 17:15).

  1. Maria, ina ng Panginoon

  2. Saria

  3. Ana

  4. Eva

  5. Abis

  6. Sara

  7. Esther

  8. Maria, kapatid ni Marta

  9. Emma Smith

  10. Ruth

  • Mga sagot: 1. B; 2. E; 3. J; 4. A; 5. H; 6. G; 7. D; 8. I; 9. C; 10. F