Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Pinipili Ko ang Tama sa Pamamagitan ng Pamumuhay ayon sa mga Alituntunin ng Ebanghelyo
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Pinakalansing ni Ramón ang mga barya sa kanyang bulsa matapos ibenta ang mga itlog ng manok sa palengke ng bayan. Naisip niya ang garapon sa bahay na lalagyan ng kanyang mga baryang ikapu. Sa Linggo ibibigay niya ang mga barya sa bishop. Masaya si Ramón. Masaya siyang makabayad ng ikapu.
Ang mga tindahan sa palengke ay puno ng mga paninda. Nakita ni Ramón ang isang makulay na kamiseta na may logo ng paborito niyang football team. Nakinita niya ang sarili na suot ang kamiseta, tumatakbo sa field, at naibuslo ang bola na nagpapanalo sa koponan. Tiningnan ni Ramón ang presyo. Mabibili niya ang kamiseta kung gagastusin niya ang lahat ng napagbentahan sa itlog pati na ang kanyang ikapu.
Napansin ni Ramón na naglaho ang saya niya. Gusto niya talaga ang kamiseta, pero alam niyang hindi gusto ng Ama sa Langit na gastusin niya ang kanyang ikapu. Naglakad na si Ramón pauwi. Nagpasiya siyang bayaran muna ang kanyang ikapu. Pagkatapos ay mas malaki ang kikitain niya sa pagbebenta ng mga itlog hanggang sa mabili niya ang kamiseta at mabayaran ang kanyang ikapu tulad ng nais ng Panginoon na gawin niya.