Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Ang mga Pagpapala ng Priesthood ay para sa Lahat
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Habang isinasalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon, nagkaroon sila ng katanungan ng kanyang tagasulat na si Oliver Cowdery. Nagpunta sila sa kakahuyan upang ipagdasal ito. Habang nagdarasal sila, “isang sugo mula sa langit ang bumaba sa isang ulap ng liwanag.” Ang sugong ito ay si Juan Bautista. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa ulo nina Joseph at Oliver at ibinigay sa kanila ang Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay inutusan ni Juan Bautista sina Joseph at Oliver na binyagan ang isa’t isa. Pagkaraan ng maikling sandali, bumaba sa lupa sina Apostol Pedro, Santiago, at Juan at inorden sina Joseph at Oliver sa Melchizedek Priesthood. Nasa mundo muli ang priesthood ng Diyos. (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72.)
Sa pamamagitan ng priesthood maaari tayong tumanggap ng napakagagandang basbas at ordenansa. Kabilang sa mga basbas na iyon ang mga ibinibigay ng mga ama o iba pang karapat-dapat na mga priesthood holder sa mga bagong silang na sanggol, maysakit, at mga bata. Kailangan din nating matanggap ang ilang ordenansa sa priesthood upang makabalik sa Ama sa Langit. Ang ilan sa mga ordenansang ito ay kinabibilangan ng binyag sa pamamagitan ng paglulubog, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at mga sagradong ordenansa sa templo na sama-samang magbubuklod sa mga pamilya magpakailanman. Maisasagawa rin sa templo ang mga ordenansa para sa mga taong pumanaw na nang walang mga pagpapala ng ebanghelyo. Ang mga pagpapala ng priesthood ay para sa lahat!