Mga Bata
Ang Pagpapatawad ay Nagdudulot ng Kaligayahan
Itinuturo ni Pangulong Uchtdorf na dapat nating patawarin ang mga miyembro ng ating pamilya. Tingnan kung paano nakaapekto ang mga pinili nina Joseph at Anna sa kanilang pamilya.
Si Joseph at ang nakababata niyang kapatid na si Anna ay naglalaro. Inagaw ni Anna ang laruan ni Joseph. Ano ang dapat gawin ni Joseph?
Nagalit si Joseph kay Anna. Umiyak si Anna. Dinisiplina si Joseph ng kanyang ina sa pakikipag-away niya sa kanyang kapatid na si Anna. Nalungkot si Joseph na mali ang pinili niya.
Pinatawad ni Joseph si Anna at naghanap ng ibang laruan. Masaya silang naglaro. Natutuwa ang kanilang nanay na mabait si Joseph sa kanyang kapatid at tahimik at walang awayan sa pamilya. Masaya si Joseph na pinili niyang magpatawad.
Maya-maya, kailangan nang tulungan nina Joseph at Anna ang kanilang nanay na maghanda ng hapunan. Hindi tumutulong si Joseph. Ano ang dapat gawin ni Anna?
Nagreklamo si Anna sa kanyang ina. Nakipagtalo si Anna dahil siya lang ang gumagawa. Pagsapit ng hapunan, ang lahat ay malungkot dahil sa nangyaring pagtatalo.
Pinatawad ni Anna si Joseph at tumulong sa paghahanda ng hapunan. Pinasalamatan ng kanilang ina ang pagtulong ni Anna. Masayang magkakasama ang pamilya sa hapunan. Maganda ang pakiramdam ni Anna na pinili niyang magpatawad.
Paano naaapektuhan ang kaligayahan ng inyong pamilya ng inyong pagpiling magpatawad?