2012
Paano Ako Nanatiling Matatag sa Ebanghelyo
Oktubre 2012


Mga Kabataan

Paano Ako Nanatiling Matatag sa Ebanghelyo

Nabinyagan ako noong 12 taong gulang ako, at sa loob ng maraming taon ako lang ang miyembro ng Simbahan sa aking pamilya. Hindi palaging madali iyon, buti na lamang at may mababait na lider ako na tumulong sa akin sa pag-aaral ko ng mga doktrina ng ebanghelyo at sa paggamit ng mga doktrinang iyon upang palakasin at pagbutihin ang buhay ko. Dahil sa desisyon kong manatiling tapat sa pinaniniwalaan ko, nakita ko ang maraming pagpapalang dumating sa buhay ko at, kalaunan pa, sa buhay rin ng mga miyembro ng aming pamilya.

Narito ang ilang bagay na tumulong sa akin na manatiling matatag:

  • Manatiling malapit sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan. Alam Niya ang kinakaharap nating mga situwasyon. Ang pananatiling malapit sa Kanya ay nakatulong upang maalala ko kung sino ako.

  • Sundin ang payo ng mga lider ng Simbahan. Nakita ko sa sarili kong buhay ang katotohanan ng payo mula sa mga propeta at mga apostol.

  • Alamin na ang pamumuhay ng ebanghelyo ay nagpapabuti ng buhay ngayon at sa kawalang-hanggan. Nakatulong ito sa akin upang masunod ko lagi ang aking mga pamantayan at pananampalataya. Hinikayat ako ng mga lider na magpunta sa templo, na nakatulong sa akin upang hangarin ang buhay na walang hanggan.

  • Palibutan ang inyong sarili ng mabubuting kaibigan na kapareho ninyo ang mga pamantayan. Mapalad ako na nagkaroon ako ng mabubuting kaibigan na nagpadali sa paggawa ng mabubuting desisyon at pananatiling matatag sa aking pananampalataya.

  • Manatiling malapit sa inyong pamilya. Mahal ko ang aking pamilya at nais kong magkaroon ng matibay na kaugnayan sa kanila.

  • Mamuhay nang mabuti. Sundin ang mga pamantayan at makibahagi sa mga programa ng Simbahan. Tutulungan kayo ng mga ito na magpakita ng pananampalataya at makagawa ng mabubuting pagpili. Kadalasan ay mas madali ang buhay kapag mabuti ang pinili, at palaging mas pinasasaya nito ang buhay.