Komentaryo
Pinalalakas Nito ang Aking Patotoo
Masigasig kong binabasa at pinag-aaralan ang Liahona simula pa noong 1967, at napaunlad nito ang aking espirituwalidad. Bawat buwan hinihintay ko ang magasin para mapasigla ako, madama ko ang mga bulong ng Espiritu ng Panginoon, at mapalakas ang aking patotoo tungkol sa ebanghelyo. Gusto ko lalo na ang “Pagtulad at Paggalang sa Ating mga Magulang sa Langit” (Liahona, Peb. 2012, 80). Nakaugnay ako sa sinabi ng awtor dahil isa rin akong graphic designer.
Fabio Fajardo, Colombia
Isang Guro at Kaibigan
Gustung-gusto ko ang Liahona—tinuturuan ako nito, sinusuportahan ako, at itinatama ang aking buhay. Kapag nagbabasa ako ng mabubuting bagay sa umaga, sinisikap kong maging mas mabait sa buong maghapon. Mas tumitindi ang aking pagmamahal at pananampalataya kapag binabasa ko ang magasin. Nireregaluhan ko rin ng Liahona ang mga kaibigan ko. Maraming salamat sa isang mabuting guro at kaibigan!
Anastasia Naprasnikova, Ukraine