2012
Doble ng mga Pagpapala
Oktubre 2012


Dobleng Pagpapala

Kilalanin sina Sophie at Elodie A. ng Antananarivo, Madagascar.

Ang sampung-taong-gulang na kambal na sina Sophie at Elodie ay nakatira sa Madagascar. Malaking isla iyon sa may baybayin ng Africa. Ang kanilang pamilya ay may paboritong kuwento na batay sa tunay na buhay. “Nang unang makilala ng aking ama ang mga missionary, nalaman niyang ang Simbahan ay totoo,” sabi ni Elodie. “Kaagad siyang naniwala.” Nabinyagan ang kanyang ina pagkaraan ng ilang buwan.

Bago isinilang ang kambal, nag-ayuno at nanalangin ang kanilang mga magulang na magkaanak sana sila ng babae. “At sa halip na isang babae lang, dalawa ang isinilang ni Mama,” sabi ni Sophie.

Mula noon ay doble na ang mga pagpapala!

Tatlong taong nag-ipon ng pera ang pamilya nina Sophie at Elodie para makapaglakbay papuntang Johannesburg South Africa Temple upang mabuklod. Kinailangan nilang maglakbay nang mahigit 1,300 milya (2,100 km) at tumawid ng Indian Ocean para makarating doon.

May klinika ang ina ng kambal sa tabi ng bahay nila. Tumutulong sila sa pamamagitan ng pagwawalis at pinananatili itong malinis.

Sa bandila ng Madagascar, ang puti ay sagisag ng kadalisayan, ang pula ay kalayaan, at ang berde ay pag-asa.

Sina Sophie at Elodie ay may dalawang pusa, at gustung-gusto nilang kalungin ang mga iyon.

Ang mga lemur at chameleon ay dalawang hayop na natatagpuan sa Madagascar.

Mga larawan ng pamilya na kuha ni Richard M. Romney; iba pang mga larawang kuha ni Craig Dimond © IRI; iStockphoto.com/GlobalP; iStockphoto.com/Lipowski