2012
Panalangin at Kapayapaan
Oktubre 2012


Mga Kabataan

Panalangin at Kapayapaan

Isang gabi ay nakipagtalo ako kay Inay at hindi maganda ang naging pakiramdam ko pagkatapos. Kaya’t nagpasiya akong manalangin. Kahit na masama ang “mood” ko at ayaw kong maging “espirituwal,” alam kong tutulungan ako ng panalangin na maging mas masaya at bawasan ang pakikipagtalo. Pag-alis ni Inay sa silid, sinimulan kong manalangin. “Mahal na Ama sa Langit, lumalapit po ako sa Inyo ngayong gabi dahil …” Hindi. Nagmulat ako at hindi na ako naghalukipkip ng kamay; parang nakaaasiwang pakinggan. Sinubukan ko uli. “Ama sa Langit, kailangan ko pong …” Parang iba rin ang dating. Dama kong inuudyukan ako ni Satanas na itigil na ang pagdarasal ko at paghingi ng tulong sa Ama sa Langit.

Bigla kong nadama na dapat akong magpasalamat! Kaya’t ginawa ko, at nagsimulang pumasok sa isip ko ang maraming bagay na mapasasalamatan ko sa aking Ama sa Langit. Nang matapos na akong magpasalamat sa Kanya, binanggit ko na ang problema ko.

Pagkatapos ay nakadama ako ng napakagandang kapayapaan sa aking kalooban, ang masiglang pakiramdam na alam kong mahal ako ng ating Ama sa Langit at ng mga magulang ko at na ako ay anak ng Diyos. Nakahingi ako ng tawad sa aking ina at tinanggap ko ang paghingi niya ng tawad.