Nang matapos ang Salt Lake Temple noong 1893, nagalak ang mga Banal sa mga Huling Araw. Inabot sila ng 40 taon sa pagtatayo ng templo. Dahil nag-abuloy ng pera ang mga bata para sa pagtatayo ng templo, nagpasiya si Pangulong Wilford Woodruff na magdaos ng limang espesyal na sesyon sa paglalaan na dadaluhan ng mga bata.
Marami na ngayong templo sa buong daigdig, at nakikipagdiwang pa rin ang mga bata sa pagtatapos ng mga templo. Tingnan kung paano nakilahok ang mga bata noon at ngayon.
Mahigit 12,000 bata ang nagpunta sa Salt Lake Temple para sa paglalaan. Ang mga batang ito na nagmula sa Sugar House Ward ay sumakay ng tren.
Ang tiket na ito ang dahilan kaya nakadalo ang mga bata hanggang edad 16 sa mga serbisyo sa paglalaan para sa Salt Lake Temple. Nagsalita ang mga Apostol at miyembro ng Unang Panguluhan sa mga bata sa loob ng templo.
Kung minsan ay muling inilalaan ang mga templo matapos i-remodel ang mga ito. Kumanta at nagdala ng mga ilaw ang mga bata sa Primary sa pagtatanghal para ipagdiwang ang muling paglalaan ng Anchorage Alaska Temple.
Linggu-linggo habang itinatayo ang Gilbert Arizona Temple , nagtakda ng mithiin ang mga bata sa Primary mula sa Gilbert Arizona Highland Stake na paglingkuran ang isang tao sa kanilang ward.
Noong itinatayo ang San Diego California Temple , gumawa ng makulay na alpombra para sa templo ang mga bata sa Primary mula sa Mexico. Tumayo ang mga General Authority sa alpombrang iyon habang inilalagak ang batong-panulok sa oras ng paglalaan.
Nagbiyahe nang tatlong oras ang mga bata sa Primary sa Manitoba, Canada, papunta sa Regina Saskatchewan Temple para mahawakan ang mga dingding at mangakong papasok doon balang-araw.
Sinalubong ng mga bata sa Primary ang mga bisita sa Kyiv Ukraine Temple sa pagkanta ng “Templo’y Ibig Makita.”
Mahigit 800 bata sa Primary mula sa West Africa ang kumanta ng “Ako ay Anak ng Diyos” sa kultural na pagdiriwang bago inilaan ang Accra Ghana Temple .
Bawat templo ay may batong panulok na nagpapakita kung anong taon ito inilaan. Sa paglalaan, idinidikit ng mga General Authority ang batong panulok gamit ang plaster. Tumulong si Isaac B., edad 9, na dikitan ng plaster ang batong panulok ng Kansas City Missouri Temple.
Kumanta ang mga bata sa Primary para kay Pangulong Gordon B. Hinckley nang dumating ito para ilaan ang Aba Nigeria Temple.