2013
Nagalak sa Paglilingkod ang mga Young Church-Service Missionary
Abril 2013


Nagalak sa Paglilingkod ang mga Young Church-Service Missionary

Suot ni Elder Ernesto Sarabia ang itim na missionary badge sa bawat araw ng kanyang misyon. Pero kakaiba ang mission assignment niya kaysa maraming iba pa—naglingkod si Elder Sarabia bilang young Church-service missionary (YCSM) sa Mexico Hermosillo Mission office.

“Nauunawaan namin na maaaring hindi mabuti para sa ilan sa mga kabataang lalaki at babae na danasin ang hirap at mga hamon ng isang full-time mission,” sabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ngunit hindi ito nangangahulugan, wika niya, na hindi na sila maaaring makibahagi sa mga pagpapala ng paglilingkod bilang misyonero (“Isa Pa,” Liahona, Mayo 2005, 69).

Sinabi ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang pagmimisyon ay kusang paglilingkod sa Diyos at sa sangkatauhan” (“Tanungin ang mga Missionary! Matutulungan Nila Kayo!” Liahona, Nob. 2012, 18), at napakaraming paraan para maibigay ang paglilingkod na iyon.

Sa mga yaon na may marangal na katwiran para hindi makapaglingkod sa mga full-time proselyting mission, o sa mga yaon na kailangang umuwi nang maaga, ang YCSM program ay makapagbibigay ng mga makabuluhang karanasan sa misyon.

Mga Kailangan para Makapaglingkod

Ang mga YCSM ay kailangang may pisikal, mental, espirituwal, at emosyonal na kakayahang gampanan ang mga responsibilidad sa kanilang tungkulin, na iaakmang mabuti sa kanila.

Ang haba ng paglilingkod sa mga YCSM assignment ay iba-iba mula 6 hanggang 24 na buwan at maaaring tumagal mula dalawang araw sa isang linggo hanggang sa paglilingkod nang full time. May mga oportunidad na makapaglingkod sa komunidad at maging mula sa tahanan. Kabilang sa potensyal na mga YCSM assignment ang family history research, information technology, mga mission office assistant, mga bishops’ storehouse, at marami pang iba.

Suporta ng Pamilya at Priesthood

Matutulungan ng mga magulang, lider ng priesthood, at miyembro ng Simbahan ang potensyal na mga YCSM na maghandang maglingkod sa misyon.

Ang pamilya ni Sister Eliza Joy Young ay talagang sinuportahan siya, at inihatid siya papunta at pauwi mula sa mga tanggapan ng Simbahan sa Sydney, Australia.

Sinabi ni Elder Michael Hillam, na nagtatrabaho sa Hong Kong Distribution Center, “Tinulungan ako ng mga early morning seminary teacher ko at ng mga lider ng Young Men na makapaghanda.”

Ang Pagsasakripisyo ay Naghahatid ng mga Pagpapala

Isinakripisyo ni Sister Young ang mga araw na wala siyang pasok sa kanyang part-time job para maglingkod sa isang Church-service mission. Sabi niya, “Nadarama ko na mas malapit ako sa aking Ama sa Langit dahil tinutulungan ko Siya.”

Bukod pa sa mga pagpapalang espirituwal, ang paglilingkod sa Church-service mission ay nagbibigay ng mahahalagang oportunidad sa mga bata pang missionary na makisalamuha at makakilala ng mga taong makakatulong sa kanila na makapagtrabaho. “Nakita ko sa misyon ko na kaya kong makapagtrabaho nang hindi na nagpapatulong,” sabi ni Sister Young. (Dati-rati ay nakapagtrabaho lang siya sa tulong ng iba.)

Bagama’t hindi lahat ng young adult na gustong maglingkod ay makapaglilingkod, malaking pagsusumikap ang ginawa para mapagbigyan ang lahat ng karapat-dapat na young adult. Ang mga kabataang lalaki at babaeng gustong maglingkod sa ganitong paraan ay maaaring kausapin ang kanilang bishop o branch president, na makakahanap ng angkop na mga oportunidad para sa kanila.

Basahin ang iba pa sa news.lds.org sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa “young church-service missionaries.”