Komentaryo
Tinuturuan Ako ng Espiritu Santo
Mula nang sumapi ang pamilya ko sa Simbahan, nakita ko na ang kapangyarihang nagmumula sa pagbabasa ng Liahona. Dahil sa nakaaantig na mga salitang ito, nahikayat akong magmisyon. Maraming paksang tinatalakay sa magasin, ngunit ang mahalaga sa akin ay ang itinuturo ng Espiritu Santo tuwing babasahin ko ito. Katunayan, magiging ligtas tayo—maging sa “teritoryo ng kaaway” (tingnan sa Boyd K. Packer, “Paano Magiging Ligtas sa Teritoryo ng Kaaway,” Liahona, Okt. 2012, 34)—kapag pinag-aralan, binasa, at ipinamuhay natin ang itinuturong mga alituntunin. Ang Tagapagligtas ay buhay, ang priesthood ay nasa lupa, at ang Diyos ay nasa kalangitan.
Newton T. Senyange, Uganda
Mga Pagwawasto
Ang Oktubre 2012 Liahona ay nagkamali sa isinulat patungkol sa mga retrato sa kuwentong “Unang Stake sa India, Inorganisa” sa mga pahina 76–77. Ang mga retrato ay kuha ni Sister Gladys Wigg. Humihingi kami ng paumanhin sa pagkakamaling ito.
Sa Disyembre 2012 Liahona, ang pamilya Vigil, na pinag-usapan sa artikulong “Mga Sagradong Pagbabago” sa pahina 24, ay bininyagan noong Hulyo 2010, hindi Hunyo 2011. At, si Andrea Vigil ay isinilang noong Hulyo, hindi Agosto, 2012.
Sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Lorenzo Snow, mali ang label sa larawang nasa pahina 2. Ito ay isang larawan ng anak ni Pangulong Snow na si Oliver Goddard Snow. Gayundin, sa caption sa pahina 28, dapat pagpalitin ang mga pangalang Brigham Young Jr. at Francis M. Lyman.