Natatanging Saksi
Bakit napakahaba ng pangalan ng Simbahan?
Mula sa “Ang Kahalagahan ng Pangalan,” Liahona, Nob. 2011, 79–82.
Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay mga natatanging saksi ni Jesucristo.
Si Jesucristo mismo ang nagbigay ng pangalan ng Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 115:4).
Ang mga salitang Simbahan ni Jesucristo ay nagpapahayag na ito ang Kanyang Simbahan.
Ang sa mga Huling Araw ay nagpapaliwanag na ito rin ang Simbahang [itinatag] ni Jesucristo nang [manirahan] Siya sa lupa ngunit ipinanumbalik sa mga huling araw na ito.
Ang ibig sabihin ng mga Banal ay sinusunod natin Siya at sinisikap nating gawin ang Kanyang kalooban.
Ang ating mga miyembro ay tinatawag nang mga Mormon noon pa man dahil naniniwala tayo sa Aklat ni Mormon, ngunit dapat nating gamitin ang buong pangalan ng Simbahan hangga’t maaari.