2013
Ang Kapangyarihan ng Pagbabayad-sala
Abril 2013


Ang Kapangyarihan ng Pagbabayad-sala

Ioriti Taburuea, Kiribati

Nang turuan ako ng mga missionary, ang mga pangunahing paksa ng kanilang mga aralin ay laging tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Ipinaliwanag nila na ang Pagbabayad-sala ay kaloob mula kay Jesucristo para sa bawat isa sa atin. Ito ay kaloob na magagamit natin sa buhay araw-araw kapag tayo ay naharap sa mga pagsubok o nagkasala. Ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ay nagpapasigla, nagpapagaling, at nagbabalik sa atin sa makipot at makitid na landas tungo sa buhay na walang hanggan.

Nang ibahagi ito ng mga missionary, nagkaroon ako matinding pakiramdam na nagpatotoo sa akin na ito ay totoo, at nagpasiya akong sumapi sa Simbahan.

Kalaunan ay nagpasiya akong magmisyon dahil nais kong tulungan ang iba na malaman ang napakagandang kaloob na ito. Sa pagtuturo at pagbabahagi tungkol sa Pagbabayad-sala, nakita ko na nagbagong-buhay ang iba. Nagbago ako nang lubusan, hindi lamang dahil sa narinig ko ang tungkol sa Pagbabayad-sala kundi dahil ipinamumuhay ko rin ito.

Alam ko na ang Pagbabayad-sala ay totoo. Kapag inanyayahan natin ang impluwensya nito sa ating buhay, anuman ang ating sitwasyon, lahat ay maisasaayos at tayo ay magagalak.