Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Ang mga Pamilya ay Bahagi ng Plano ng Ama sa Langit
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Ikinuwento sa Aklat ni Mormon ang tungkol sa isang masamang lalaking nagngangalang Amalikeo. Gusto niyang wasakin ang Simbahan at maghari sa mga Nephita.
Si Kapitan Moroni ay isang malakas at matwid na pinuno ng mga hukbo ng mga Nephita. Gusto ni Kapitan Moroni na ipaalala sa mga tao kung gaano kahalagang ipagtanggol ang kanilang pamilya at pananampalataya. Pinunit niya ang kanyang bata at ginawa itong isang watawat, o bandila. Isinulat niya roon ang mga salitang ito:
“Sa alaala ng ating Diyos, ating relihiyon, at kalayaan, at ating kapayapaan, ating mga asawa, at ating mga anak.”
Tinawag niya ang kanyang bandila na “bandila ng kalayaan,” at ikinabit ito sa dulo ng isang mahabang kahoy. Pagkatapos ay lumuhod siya at nagdasal na manatiling malaya ang mga tao para masamba pa nila ang Diyos at matanggap ang Kanyang mga pagpapala. (Tingnan sa Alma 46:3–18.)
Ngayon ay mayroon tayong isang bagay na magpapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang ating pamilya at pananampalataya. Ito ay “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.” Narito ang ilan sa mga salita roon:
“Ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak. … Ang mag-anak ay inorden ng Diyos.”