2013
Hindi Matutumbasan ng Pera ang Kaligayahan
Hulyo 2013


Hindi Matutumbasan ng Pera ang Kaligayahan

Abelino Grandez Castro, Peru

Kamakailan pumunta ako sa bangko para mag-withdraw ng perang pangsuweldo sa mga empleyado ko. Bago ibinigay sa akin ng teller ang aking withdrawal, pinapalitan ko sa kanya ang ilang 200-sol bill ng ilang 50-sol bill. Pinalitan ng teller ang pera ko, pero parang nakita kong nagkamali siya sa pagbilang ng pera.

Ibinigay niya sa akin ang mga 50-sol bill, at tumabi ako para hintayin ang aking withdrawal. Habang naghihintay, binilang ko ang pera. Nagbigay ako sa teller ng 1,200 sol, pero pinalitan niya ito ng 2,200 sol—sobra ng isang libong sol. Nang sandaling iyon natukso ako. Sabi ko sa sarili ko marami namang pera ang bangko. Pero alam ko sa puso ko na hindi akin ang pera; dapat ko itong ibalik.

Ilang sandali pa tinawag ako ng teller para kumpletuhin ang transaksyon ko. Binilang niya ang aking withdrawal, at nang iabot niya sa akin ang pera, itinanong niya. “May kailangan pa ba kayo?”

“Oo,” sabi ko. “Binigyan kita ng 1,200 sol para palitan ng mas maliliit na bill, pero ang ibinigay mo sa akin ay 2,200.”

Pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang 2,200 sol. Nanginginig ang mga kamay, binilang niya nang dalawang beses ang pera. Halos hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Tiningnan niya ako at sinubukang magsalita, pero ang tanging nasabi niya nang dalawang beses ay, “Maraming salamat po.”

Umalis ako ng bangko nang masaya. Nang linggong iyon naghahanda ako ng ituturo sa mga kabataang lalaki sa ward namin tungkol sa paglaban sa tukso. Nakakatuwang ikuwento sa kanila ang naranasan ko sa bangko.

“Nagbibiro ka yata,” pagbibiro ng ilan sa kanila. “Isang libong sol ang ibinalik mo!”

“Hindi matutumbasan ng pera ang kaligayahan,” nakangiti kong sagot.

Nagpapasalamat ako sa karanasang ito, na nagpalakas sa aking patotoo at sa patotoo ng mga kabataang lalaki tungkol sa kahalagahan ng paglaban sa tukso.