Naliwanagan sa Dilim
Hérica S., Brazil
Hinding-hindi ko malilimutan ang family home evening lesson namin noong nawalan kami ng ilaw. Wala kaming mababasa kung walang ilaw, at naisip ko na hindi magiging maganda ang family home evening.
“Paano kami makakapag-family home evening kung hindi namin mabasa ang mensahe mula sa Liahona, o paano namin makakanta ang awitin mula sa himnaryo nang walang ilaw?” naisip ko.
Mabuti na lang at dumating ang kapatid kong babae. Maganda ang ideya niya na kumanta kami ng mga himnong kabisado namin at pagkatapos ay ibahagi namin ang aming natutuhan sa Linggong nagdaan. Lahat kami ay nagbahagi ng isang alituntunin at natuto kami sa isa’t isa. Sa palagay ko, ang matuto nang magkakasama ang layunin ng family home evening. Sigurado ako na labis na nasiyahan ang Panginoon nang sundin namin ang utos na magdaos ng family home evening, kahit walang ilaw.
Alam ko na ayaw ng Panginoon na bumalik tayo sa Kanyang piling nang nag-iisa. Nais Niya tayong bumalik na kasama ang ating pamilya, at nais Niyang gawin natin ang lahat ng maaaring gawin para mangyari ito, pati na ang pagdaraos ng family home evening.