Pagpapalitan ng mga Kuwento ng Pamilya
Ang makulay na alpombra ni Lola ay nakatulong sa pagkukuwento niya kay Katy (tingnan sa mga pahina 66–67). Narito ang isang larong makatutulong para makapagkuwentuhan ang mga miyembro ng inyong pamilya!
Kailangan ninyo ng:
-
Ilang maliliit na bagay na solido ang kulay. Sikaping makahanap ng kahit anim man lang na magkakaibang kulay. Maaari kayong gumamit ng mga butones, kinulayang mga bato, o makukulay na kendi.
-
Isang bag na paglalagyan ng mga ito.
Paraan ng paggawa:
-
Punan ang chart sa ilalim ng pahinang ito sa pamamagitan ng pagsulat ng kulay ng isang bagay sa bawat prompt o gagawin.
-
Paupuin nang pabilog ang mga miyembro ng pamilya. Ipasok sa bag ang maliliit na bagay.
-
Ipasa ang bag nang paikot sa bilog. Maghalinhinan ang lahat sa pagbunot ng isang bagay at pagsunod sa gagawin na tugma sa kulay ng bagay na pinili nila. Magpatuloy hanggang sa maubos ang pagpipilian.
Tsart ng Pagpapalitan ng mga Kuwento ng Pamilya
Naaalala mo ba ang iba’t ibang kuwentong ibinahagi ng mga tao para sa bawat kulay?
Gagawin: | |
---|---|
Magkuwento ka tungkol sa pinakamatalik mong kaibigan. | |
Kailan mo kinailangang maging matapang? | |
Magkuwento ka tungkol sa isang kakulitan o nakakahiyang bagay na ginawa mo. | |
Ano ang paborito mong kuwento sa banal na kasulatan? Bakit? | |
Magkuwento ka tungkol sa isang school project na masayang gawin. | |
Kung maaari kang maging hayop, anong hayop ang gusto mo at bakit? | |