2013
Komentaryo
Hulyo 2013


Komentaryo

Tinutulungan Ako Nitong Magsikap Pa

Gustung-gusto ko ang Liahona! Napakaganda ng pakiramdam ko kapag binabasa ko ito. Gusto kong dinadala ito sa eskwelahan at ibinibigay sa mga kaibigan ko. Ang mga artikulo ay tinutulungan akong magpakabuti, gumawa ng gawaing misyonero, at piliin ang tama. Kapag pinag-aaralan ko ang magasin, mas sinisikap kong magpakabuti sa bawat araw at sinisikap kong sundin pa si Jesucristo.

Anastacia Naprasnikova, Ukraine

Espirituwal at Temporal na Kompas

Pinalalakas ng Liahona ang aking patotoo. Ito ay isang kompas—na espirituwal at temporal. Ang pagbabasa ng mga salita ng mga General Authority ay higit akong inilalapit kay Jesucristo. At bilang isang misyonero, ang pagbabasa ng mga patotoo ng maraming nabinyagang Banal ay pumapanatag sa akin at natutulungan akong maging epektibong manggagawa sa ubasan ng Panginoon.

Elder Gomun, Benin Cotonou Mission

Pagwawasto

Nakasulat sa pahina 27 ng Liahona noong Pebrero na si Dima Ivanov ay nakatira sa Vladivostok, Russia, ngunit ang totoo ay nakatira siya sa Ulan-Ude, Russia.

Print