Larawan ng Propeta
Joseph F. Smith
Si Joseph F. Smith ay pitong taong gulang nang pastulin niya ang pangkat ng mga baka ng kanyang pamilya mula Nauvoo, Illinois, hanggang Salt Lake City, Utah. Noong siya ay 15 anyos, nagmisyon siya sa Hawaii. Kalaunan, bilang Pangulo ng Simbahan, inilaan niya ang lugar na pinagtayuan ng Laie Hawaii Temple. Naniwala si Joseph na di-gaanong uusigin ng mga tao ang Simbahan kung nauunawaan nila ang paniniwala ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang ilan sa kanyang mga turo na nagpapaliwanag sa mga paniniwala ng Simbahan ay isinama sa isang aklat na tinatawag na Gospel Doctrine.