Mga Espirituwal na Superhero
Victor W., USA
Ngayong taon binibisita kami sa bahay ng mga kahanga-hangang superhero tuwing Lunes ng gabi! Bawat superhero ay kahawig ng isang miyembro ng pamilya, may kakaibang kapangyarihan, at nagturo ng mahalagang aralin na nakapagpapalakas ng patotoo na naghikayat sa amin na mas pagbutihin ang pakikitungo sa isa’t isa.
Halimbawa, tinuruan kami isang linggo ni Media Man kung paano protektahan ang mga mata namin mula sa mga hindi nararapat na mga pelikula, palabas sa TV, at mga magasin. Sa isa pang linggo ipinaliwanag ni Fit Miss kung paano kami magkakaroon ng di-pangkaraniwang lakas sa pamamagitan ng regular na ehersisyo. Si Bee Still, ang superhero na nakadamit-bumblebee ay nagturo naman sa amin kung paano tumigil sa pag-iingay at maging mapitagan sa simbahan at tahanan. Ipinaliwanag ni Word Girl kung paano at kailan namin mas mapupuri ang isa’t isa. Dumalo rin sina Thankful Girl, Do It Yourself Dude, Scripture Scholar, No Sass Lass, Missionary Man, at iba pang superhero sa mga family home evening lesson namin.
Nagpapasalamat ako na seryoso at maingat na pinag-isipan ng mga miyembro ng aking pamilya kung anong problema sa pamilya ang gusto nilang lutasin bilang superhero. Lahat kami ay sabik na inaabangan ang family home evening, at napakasaya namin sa bawat pagbisita ng superhero. Nagpapasalamat ako na tuwing may pinag-iisipan kaming problema sa aming pamilya, binibigyan kami ng Ama sa Langit ng ideya kung paano mas epektibong matuturuan ang isa’t isa. Ito ang mga alaala ng mga superhero na pahahalagahan namin kailanman.