2013
Ang Nauvoo Temple at Carthage Jail
Setyembre 2013


Sa Daan

Ang Nauvoo Temple at Carthage Jail

Sumama kayong maglibot sa mahahalagang lugar na ito sa kasaysayan ng Simbahan!

Noong 1841, marami sa mga Banal sa Nauvoo ang dukha o mahirap. Ngunit alam nila na kailangan nilang magtayo ng templo, tulad ng utos sa kanila ng Panginoon. Mahigit 1,000 kalalakihan ang nagtrabaho para itayo ang templo. Ang kababaihan ang tumahi ng mga polo at nagluto para sa mga trabahador. Marami ang nagsakripisyo para maitayo ang templo. Inasam nila ang mga pagpapalang matatanggap nila roon.

Carthage Jail

Tumigil ang paggawa sa templo noong Hunyo 1844, nang patayin si Propetang Joseph Smith. Dinala si Joseph at ang ilan pang kalalakihan sa Carthage Jail. Noong Hunyo 27 sumugod ang mga mandurumog sa kulungan. Binaril at pinatay nila si Joseph at ang kapatid niyang si Hyrum.

Pagtatapos ng Templo

Nadurog ang puso ng mga Banal dahil nawala ang kanilang Propeta. Alam ni Brigham Young, na noon ay Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, na magpapatuloy ang gawain ng Panginoon. Sa wakas ay natapos din ng mga Banal ang templo. Araw-gabing nagtrabaho ang mga lider ng Simbahan sa templo para mabinyagan ang mga Banal para sa kanilang mga ninuno at mabuklod bilang mga walang-hanggang pamilya.

Muling Pagtatayo ng Templo

Nang lisanin ng mga Banal ang Nauvoo, ang templo ay natupok ng sunog at nasira ng buhawi. Noong 1999, ibinalita ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) na muling itatayo ang Nauvoo Temple sa dating lugar. Ngayon ay makikita ninyo ang magandang templong ito na katulad ng hitsura nito noong 1840s.

Isang hugis-suklay na buwan (crescent moon) ang nakaukit sa labas ng pader ng templo.

Ang orihinal na Nauvoo Temple ay may 30 sunstone.

Nakapatong ang mga rebulto nina Joseph at Hyrum sa harap ng Carthage Jail. “Sa buhay sila ay hindi nagkalayo, at sa kamatayan sila ay hindi pinaghiwalay!” (D at T 135:3).

Patakbong inakyat ng mga mandurumog ang hagdang ito sa Carthage Jail para kunin si Joseph at ang kanyang mga kasama.

Si Joseph at ang iba pang kalalakihan ay nasa silid sa itaas ng kulungan.

Mga larawang kuha nina Jennifer Maddy at Craig Dimond © IRI