Kailan ako dapat magsimulang magbayad ng mga handog-ayuno at iba pang mga donasyon?
Kung may pinagkakakitaan ka na at kusa kang magbibigay, maaari ka nang magsimulang magbigay ng mga handog-ayuno anuman ang edad mo. Siyempre pa, kapag kumikita ka na, iniutos ng Panginoon na magbayad ka ng ikapu mula sa kita mo. Bukod pa rito, “kasama sa wastong araw ng pag-aayuno ang … saganang pagbibigay ng handog-ayuno para matulungan ang mga nangangailangan” (Para sa Lakas ng mga Kabataan [buklet, 2011], 39). Hindi komo nagbayad na ang mga magulang mo para sa pagkain ng pamilya ninyo ay hindi ka na magbibigay ng sarili mong kontribusyon kung madama mo ito kapag nag-aayuno ang pamilya mo sa bawat buwan. Tandaan, kahit bata ka pa, kahit magkano ang kontribusyon mo, ang pinakamahalaga ay sumusunod ka sa utos ng Panginoon at nagsasakripisyo para mabiyayaan ang iba. Ikaw at maging ang iba pa ay mabibiyayaan ng iyong mga sakripisyo. At kung magkaroon ka ng inspirasyon at kaya mong gawin, maaari ka ring kumunsulta sa mga magulang mo at magbigay ng mga donasyon sa iba pang mga pondo ng Simbahan na nakalista sa Tithing and Other Offerings slip.