Isang Bilyong Talaan Nasa FamilySearch na Ngayon
Sa sama-samang pagsisikap ng mga boluntaryo sa buong mundo na nag-iindex (nagdi-digitize) ng napakalaking koleksyon ng mga genealogical record ng Simbahan ang isang milestone noong Abril 19, 2013. Sa petsang iyon nakapagdagdag sila ng isang bilyong record na masasaliksik sa FamilySearch website ng Simbahan nang wala pang pitong taon.
Nag-eextract o nag-iindex na ng mga talaan ang mga boluntaryo simula pa noong 1978, ngunit noong Setyembre 2006 naglunsad ang Family History Department ng malawakang pagbabago na inaanyayahan ang halos lahat ng tao sa lahat ng dako na mag-log on sa site at mag-sign up para makalahok sa indexing project.
“Halos lahat ng dokumento ay hinango mula sa koleksyon ng 2.4 milyong rolyo ng microfilm na naglalaman ng mga photographic image ng mga dokumento ng kasaysayan mula sa 110 bansa at lugar,” ang paliwanag sa isang wiki entry sa FamilySearch site. “Kabilang sa mga dokumento ang mga census record, birth at death certificate, marriage license, military at property record, at iba pang mahahalagang talaan ng mga pamahalaan sa lugar, estado, at bansa.”