2013
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Setyembre 2013


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Ano ang Maganda sa Malaki at Maluwang na Gusali?” pahina 48: Basahin ang artikulo sa iyong pamilya. Isiping tanungin sila kung nadama na nilang napahiya sila sa pamumuhay ng mga pamantayan ng Simbahan; maaari kang magbahagi ng pagkakataon na ganoon ang nadama mo at ano ang natutuhan mo. Talakayin ang pagkakaiba sa pagsasabing hindi mo magagawa ang isang bagay kumpara sa pagsasabing hindi mo gagawin ang isang bagay. Masusundan ng inyong pamilya ang magkakaugnay na banal na kasulatan na ito para malaman kung paano naaakma sa plano ng Diyos ang kalayaan: Moises 4: 1–4; 2 Nephi 2:14–16, 22–27; Josue 24:15; Mosias 2:41; Doktrina at mga Tipan 82: 10; 130: 20–21. Pagkatapos ay maaari ninyong kantahin ang “Piliin ang Tama” (Mga Himno, blg. 145) o isa pang himno tungkol sa mabubuting pagpili.

“Isulat nang Tama,” pahina 64, at “Pinili ko ang Tama,” pahina 71: Isiping ibahagi kung paano nakahanap ng paraan sina Cara at Ekene sa mga kuwentong ito upang mapanindigan ang katotohanan. Maaari mong talakayin kung ano ang ibig sabihin ng “tumayo bilang saksi ng Diyos” (Mosias 18:9). Magpalitan ng mga ideya tungkol sa mga paraan na maibabahagi ninyo ang inyong patotoo at planuhing gawin ito sa linggong ito. Para sa isang aktibidad, maaaring basahin o repasuhin ng inyong pamilya ang kuwento sa banal na kasulatan kung saan may tumayo bilang saksi ng Diyos; pagkatapos ay isadula o gayahin ang mga tauhan sa kuwento. Maaaring kabilang sa ilang ideya ng mga kuwento si Daniel at ang kanyang mga kaibigan na tumangging kainin ang masasamang bagay (Daniel 1), si Esteban na nagpatotoo kay Jesucristo (Mga Gawa 6–7), at ang paghikayat ni Nephi sa kanyang mga kapatid na kunin ang mga lamina (1 Nephi 3–4).

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.

Larawang kuha ni Cody Bell