2013
Ano ang mga pisikal na kalusugang kailangan para makapagmisyon?
Setyembre 2013


Ano ang mga pisikal na kalusugang kailangan para makapagmisyon?

Ang malulubhang pisikal na kapansanan o problema sa kalusugan ay maaaring makahadlang sa ilang tao na magampanan ang gawaing misyonero nang maayos at maaari ding magkaroon ng masamang epekto sa paglilingkod ng kanilang kompanyon. Karaniwan ay hindi nagmimisyon ang gayong mga tao. Halimbawa, ang mga taong nangangailangan ng wheelchair o saklay o hindi makaganap ng pang-araw-araw na gawain nang walang tulong ng iba ay hindi inirerekomendang magmisyon. At ang taong sobra sa timbang ay labis na mahihirapan sa pang-araw-araw na gawain sa misyon, kaya maaaring hilingan ng mga lider ng priesthood ang ilang tao na magbawas muna ng timbang bago sila irekomenda para sa misyon. Hinggil sa kalusugan ng buong katawan, ang isang magagamit na panuntunan ay na dapat kang makalakad nang mga anim na milya (9 km) sa isang araw nang walang kahirap-hirap.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa alinman sa mga bagay na ito, maaari kang masagot at mapatnubayan ng iyong bishop o branch president.