2013
Bakit nagsisimulang mag-home teaching ang mga binatilyo sa edad na 14 samantalang ang mga dalagita ay nagsisimulang mag-visiting teaching sa edad na 18?
Setyembre 2013


Bakit nagsisimulang mag-home teaching ang mga binatilyo sa edad na 14 samantalang ang mga dalagita ay nagsisimulang mag-visiting teaching sa edad na 18?

Sa isang paghahayag na ibinigay nang maorganisa ang Simbahan noong 1830, ipinahayag ng Panginoon, “Ang tungkulin ng mga guro ay pangalagaan ang simbahan tuwina, at makapiling at palakasin sila” (D at T 20:53). Bukod sa mga teacher sa Aaronic Priesthood, tungkulin din ito ng mga priest at ng mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood (tingnan sa D at T 20:45–52). Ang home teaching ay isang paraan para magampanan nila ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng partikular na mga atas mula sa mga lider ng priesthood. Ang visiting teaching, bagama’t kahalintulad nito, ay medyo naiiba ang layunin, na naglalaan ng pagkakataon sa kababaihan ng Relief Society na patatagin at turuan ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga atas sa kanila ng Relief Society presidency (na inaprubahan ng bishop o branch president). Siyempre pa, dapat hangarin ng mga kabataang babae (lalo na ang mga panguluhan ng klase) na patatagin at suportahan ang isa’t isa sa iba’t ibang paraan, ngunit hindi sila inaatasang bumisita buwan-buwan sa partikular na mga tao.